Advertisers
Umaabot sa P1,195,450 halaga ng shabu ang nasasam ng Quezon City Police District (QCPD)) sa apat na naarestong pinaghihinalaang drug pusher sa magkahiwalay na anti-illegal drug operation nitong Miyerkoles, Agosto 13, 2025 sa lungsod.
Sa ulat kay QCPD Officer in Charge / Deputy District Director for Administration, PCol. Randy Glenn Silvio mula sa DIstrict Drug Enforcement Unit (DDEU) na pinamumunuan ni PMaj. Elvin Ballesteros, sa isinagawang operasyon dakong 2:40 ng hapon sa Congressional Avenue, Brgy. Pasong Tamo tatlong suspek ang nadakip.
Ayon kay Ballesteros, nang bentahan ng isa sa suspek ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000 ang pulis na nagpanggap na buyer, nagresulta ito sa pagkakadakip nina alyas “Nicole”, 24-anyis, residente ng Sauyo, Quezon City; alyas “John Cedrick”, 25-anyos; at alyas “Christian Jay”, 25-anyos, kapwa residente ng Brgy. Tandang Sora, QC.
Nakumpiska sa tatlo ang 50.8 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P345,440.00; tatlong cellular phones;isang pulang Mitsubishi Mirage sedan; at ang buy-bust money.
Sa ikalawang operasyon naman na isinagawa ng Batasan Police Station 6 sa ilalim ni PLt. Col. Romil Avenido, dakong 8:40 PM nang madakip ang isang tulak sa ikinasang buy-bust operation sa Luzon Avenue, Brgy. Old Balara, Quezon City. Inaresto ang suspek nang bentahan ng halagang P5,000 na shabu ang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa suspek ang 125 gramo ng shabu na nagkakahalsaga ng P850,000.00; isang cellular phone; at ang buy-bust money.
Ayon kay Silvio, kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
“This accomplishment is a testament to the dedication of our operatives in relentlessly pursuing drug syndicates in our city. It is in line with the marching orders of our Chief PNP, PGEN NICOLAS TORRE III for a swift and responsive police service, and our NCRPO Regional Director, PMGEN ANTHONY ABERIN, to wage an unyielding fight against illegal drugs. To our QCitizens, rest assured that QCPD remains Able, Active, and Allied with the community in ensuring a safer Quezon City,” pahayag nui Silvio, (Almar Danguilan)