Advertisers
PORMAL na naghain ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang legal counsel ni Mamamayang Liberal (ML) Party-List Representative Leila de Lima na si Atty. Dino De Leon laban sa mga prosecutor nito.
Base sa isinumite ni Atty. De Leon, reklamong ‘Grave Misconduct’ at ‘Gross Ignorance of the Law’ ang kanilang inihain laban sa 10 prosecutors.
Paliwanag ng abogado, hanggang ngayon kasi hindi tumitigil ang mga prosecutor sa paghahabol sa kaso ni De Lima kahit pa naabswelto na ito at na-dismiss na ang kaso sa hukuman.
Bukod pa rito, inatasan na nina Justice Secretary Cris-pin Remulla at Prosecutor General Richard Fadullon sa pamamagitan ng memorandum noong July 23 ang mga prosecutor na i-withdraw o iatras na ang ‘Motion for Reconsideration’ na dating inihain ng DOJ.
Ipinaliwanag pa ni Atty. De Leon na nais nilang maimbes-tigahan ang mga prosecutor na umano’y umaabuso sa kapangyarihan.
Simula pa lamang daw ito ng hakbang ng kampo ni De Lima kungsaan nais nilang papanagutin ang mga nasa likod kung bakit ito nakulong noong panahon ng Duterte administration.(Jocelyn Domenden)