Advertisers
Ni Archie Liao
SAMU’T qsari ang naging reaksyon ng netizens sa naging rebelasyon ni Liza Soberano sa video series ni Sarah Bahbah na “Can I Come In.”
Marami ang nakisimpatiya sa kanya sa kanyang naging pagtatapat tungkol sa kanyang traumatic past.
Nailahad niya ang kanyang karanasan na lumaki siya sa piling ng ina na isang adik at amang chemist na nakulong dahil sa isang krimen.
Sa edad na dalawang taon ay kinidnap din siya ng kanyang stepfather.
Ibinahagi rin niya na tumira siya at ang kanyang kapatid sa piling ng kanilang foster parents kung saan siya minaltrato.
Nag-share rin siya ng kanyang struggles as a breadwinner kung saan sa edad na 12 ay kailangan na niyang magtrabaho.
Sa kanyang kuwento, isiniwalat din niya ang naging break up nila ng ex na si Enrique Gil.
Sa kanyang pagbabalik-tanaw, naungkat din ang kagustuhan niyang makawala sa toxic love team culture sa bansa na isa sa mga dahilan kaya pinili niyang makipagsapalaran sa Hollywood.
Sa huli, tumatak naman ang pagmumura ni Liza sa mga taong naging bahagi ng kanyang nakaraan na nagpahirap sa kanya.
Malinaw din ang kanyang mensahe na hindi na siya papayag na tratuhin ninuman ng hindi tama.
Nakakuha naman ng kakampi si Liza sa kanyang pagmumura sa kilalang Thai actor na si Bright Vichirawit na naging pamilyar sa mga Pinoy sa BL series na 2Gether at Still 2Gether.
Si Bright na naka-collab ni Liza sa isang music video ay produkto rin ng hate comments dahil sa pagkalas niya sa BL tandem nila ni Win Metawin.
Komento ni Bright:”f*ck em!”
Umani naman ng random comments sa netizens ang pagkampi ni Bright kay Liza.
Ito ang ilan sa reaksyon ng netizens.
” He is also a target of hate in Thailand, which also affected his girlfriend, Nene.”
“dahil din sa loveteam ang hate train niya na para bang hindi 5 years ago na yung BrightWin era ??”
“Its nice that Bright is showing support for Liza.. After all they worked on a music video not long ago..”
“Birds of the same feather flock together.”