Advertisers

Advertisers

KAY PACMAN AT MANALO SUMIGLA ANG BAYANG BILYARISTA

0 50

Advertisers

KAARAWAN ng buhay na alamat sa billiards na si Efren ‘Bata Reyes noong Agosto 26.

71-anyos na ang The Magician.

Isang tribute ang inihandog sa kanya ng isa ring pool icon na si Marlon ‘ Marvelous Manalo bilang pagpupugay sa kadakilaan ni Bata na tumatak sa buong mundo bilang GOAT( greatest of all time) sa larangan ng bilyaran.

Ang naturang pagpahalaga ni Kap Marlon kay Efren ay lalong tumibay sa pagsuporta ng Pambansang Kamao ,8- division world boxing champion Manny ‘ Pacman Pacquiao na isa ring billiards enthusiast.

Sumigla ang bayang bilyarista sa tambalang iyon nina Kap at Pacman lalo’t sumargo ang. Efren ‘Bata Reyes,( EBR) Yalin 10-ball Open na may laang P2milyon papremyo at lumahok ang lahat ng sikat at bagitong bilyarista sa bansa at ito ay sumargo sa bagong bukas na Pacman Cue Club na nasa WCC Shaw, Mandaluyong Citý.

Ang dami palang magagaling na bilyarista na kailangan lang makasali sa ganitong kalaking torneo na international ang dating sa lokal na sarguhan.

Simula lang ito ng adbokasiyang mapanumbalik ang sigla ng billiards na larangang kinatakutan ng mga dayuhang mga puti at singkit sa mundo dahil kina Bata ,Marvelous, Django,Amang, Robocop,Volcano ,Viado at iba pa.

Marami pang malalaking torneo ang nakalinya sa programa WANTUSAWA mga ka-bilyaran …

ABANGAN!

Lowcut: Congrats sa Batang Mandaluyong na si Kid Paulo matapos magkampeon sa.EBR Yalin 10-Ball Open finals Linggo ng gabi sa WCC.Tinalo ang batikan at beteranong si Lee Van Corteza 13-12 at naibulsa ang 1m top prize…Tobalats naman diyan!