Advertisers
KUMBINSIDO si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na darating na sa Pilipinas sa Hunyo ang mga bakuna kontra COVID-19 na likha ng Pfizer-BioNTech, Sinovac at AstraZeneca.
Pahayag ni Galvez, nagkakaroon na kasi ng negosasyon ang pamahalaan sa World Health Organization (WHO) para sa maagang pagpapadala ng bakunang likha ng Pfizer.
Ayon pa kay Galvez, kasalukuyan na rin nakikipag-negosasyon ang gobyerno sa Novavax kung saan humiling sila ng tatlo hanggang limang milyong dose ng bakuna.
Samantala, sa third quarter pa naman ng taon inaasahang dumating ang bakunang likha ng Johnson & Johnson at Gamaleya.