Advertisers

Advertisers

SEN. CAYETANO NAGPASAKLOLO NA SA KORTE SUPREMA SA ISYU NG SENATE LEADERSHIP

0 8

Advertisers

DUMULOG sa Korte Suprema si Senador Alan Peter Cayetano kasama ang walong iba pang senador upang hilinging ideklarang walang bisa ang sesyon ng Senado noong Hunyo 3, 2026 kung saan nahalal si Senador Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore.

Sa kanilang 87-pahinang petisyon para sa certiorari, hiniling ni Cayetano at nina Senators Loren Legarda, Pia Cayetano, Jinggoy Estrada, Bong Go, Rodante Marcoleta, Imee Marcos, Robin Padilla, at Camille Villar na ipawalang-bisa ang naturang sesyon dahil sa umano’y mga paglabag sa proseso.

Hiniling din ng mga petitioner sa Korte Suprema na maglabas ng isang status quo ante order upang maibalik ang kalagayan at mga kondisyon bago ang mga kinukuwestiyong pangyayari na nagsimula noong Hunyo 3.



Kabilang din sa mga naghain ng petisyon si Atty. Jose Luis Montales, na nagsilbing Senate secretary sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano.

Hindi naman kabilang sa mga naghain ng petisyon sina Senators Mark Villar at Joel Villanueva.



Ang paghahain ng petisyon ay naganap sa gitna ng nagpapatuloy na usapin sa pamunuan ng Senado, kung saan nananatiling sentro ng kontrobersiya ang mga pagbabago sa liderato ng Mataas na Kapulungan. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">