Advertisers

Advertisers

JANELLA ITINANGGI 3RD PARTY

0 22

Advertisers

Ni Beth Gelena

Nagpahiwatig si Janella Salvador sa real score nila ni Klea Pineda.

Sa isang panayam, nilinaw niya na hindi siya ang third party sa breakup niKlea kay Katrice Kierulf.

Nakuhanan ng pahayag ang dalawang aktres sa premiere night ng movie nilang Open Endings na ginanap kamakailan.

Kasama sa movie si Jasmine Curtis-Smith.

Bagama’t walang direktang sagot si Klea tungkol sa kanilang relasyon, ipinahiwatig niya ang kanilang closeness at shared happiness together.

Tinanong ang Kapamilya actress na si Janella at Kapuso tungkol sa mga kumakalat na tsismis sa kanilang dalawa.

When asked about the “real score” between her and Klea, ang sagot ni Janella, “Kung anong nakikita niyo, yun na yun.”

Pero, pagkaklaro ng aktres, “Para lang maging malinaw, sabi ko po magsasalita ako at the right time, ito na yun. Hindi po ako part ng breakup. Hindi po ako third party. I’d like to exclude myself from that.”

Sa kabila ng seryosong paglilinaw, hindi maitago ni Janella ang kanyang kasiyahan, ngiting-ngiti nang tanungin kung ano ang nararamdaman niya sa tabi ni Klea.

“Nakikita niyo naman kung gaano ako kasaya,” ani ng celebrity mom.

Si Klea naman ang tinanong, “Are you together?”

Sumabat si Jasmine at sinabing, “Sa ngayon, physically kaming magkakasama.”

Nagtawanan sina Klea at Jasmine, sabay sabing, “Saving me, Jas!”

Walang direktang sagot si Klea sa tanong kundi, “Nakikita niyo online, kahit saan, yun na yun. Basta masaya kami… together.”

Yun na!

***
BARON GEISLER PROUD NA INIRAMPA ANG ANAK

Pabonggahan ang mga celebrity na um-attend sa isang event.

Mga sopistikada na kasuotan na may kanya-kanyang symbolic styles ang nag-stand out nung gabing iyun.

Nangunguna si Anne Curtis na very confident sa kanyang beauty.

Ibinahagi niya ang sekreto na mapanatiling glowing and youthful ang sarili kahit na siya ay 40 years old na.

Aniya, “being happy in life.”

Ang former Miss Universe Pia Wurtzbach-Jauncey ay nakaka-inspired din ang outfit by the delicate wings of a mariposa, embodying sophistication.

Isa pang Miss Universe Philippines alumna na si Michelle Dee na agaw-pansin sa kasuotang barong kung saan pinatunayan niya na ang Filipino classic dress ay pwedeng gawin na modern at eco-conscious.

Agaw-pansin din ang mag-amang Baron Geisler at ang anak na si Maria Sophia Asistio kay Nadia Montenegro.

Unang nagkasama sa public event ang mag-ama.

Wika ng aktor, “For me this is not only celebrating our artists but also a family time.”

“I feel very blessed to have this opportunity with him and this is also my first red carpet and it is with him so it is very special,” excited namang lahad ni Sophia.

Sina Francine Diaz at Seth Fedelin ay sabay na dumating kung saan ang suot nila ay all-black na naka-ensemble ang highlight ng kanilang youthful elegance.

Hindi naman nagpakabog ang grand winners ng reality show na sina Brent Manalo at Mika Salamanca habang rumarampa sa kanilang timeless sophistication as a duo, exuding chemistry and poise.
***
BEA ENJOY SA CROATIA

SA mga posted photos ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram account habang siya ay nasa bakasyon sa Croatia ay lagi siyang solo flight.

Hinahanap ng netizens ang boyfriend niyang si Vicente Co.

Ayon naman sa fans ng aktres naroroon din naman ang bilyonaryong boyfriend kung saan ito raw ang nagsisilbing photographer ni Bea.

Pinangatawanan naman ng kanyang team na ang kasama ni Bea sa Croatia ay ang mga fans niya.

Muli ay may post ang aktres at nilagyan niya eto ng caption: “Finally made it to King’s Landing (aka Dubrovnik for the non-working fans) — and yes I’m still I smiling even though my luggage went missing on the way”

Inisa-isa ng aktres kung saan siya pumunta at kung ano ang nakikita sa paligid ng walang kapagurang pag-ikot.

Aniya: “Strolling the famous Stradun from above; walking the old city walls with unreal views; sunshine, waves, and little cliffside swims; a quiet pause in between all the wandering; exploring Rector’s Palace; kids swimming by the cliffs; Gelato heaven at Poppino’s (a must); tried their local peka– so good; a few glass of Croatian wine later; Luvrjinac fortress (where Myrcella sailed for Dorne); the famous ‘shame” stairs of Queen Cersei”

“What an adventure — Dubrovnik, Croatia truly feels like stepping straight into Westerns”

Assume ng netizens, “Pagpaplano na. Baka dyan ang wedding”

“Love love love. Sana si Vince na ang ending nya.”

“Awww Bea living the life”

“Nakahanap na talaga si Bea ng partner na makakasabay ng lifestyle niya.”

“OMG siguradong bucket list material checked? sooooooo seloso”

Si Dimples Romana ay isa sa nagkomento, “love seeing you so happy let’s date na”

Sagot ni Bea: “Mars! Sobrang miss na kita!! Dinner na please! Love you!”

“Love you too!! and super duper miss youuuu okay messaging you right now,” sagot naman ng aktres.