ALLEN ANSAY ISA SA STARS NG HUWAG KANG TITINGIN NG GMA PICTURES; NEW COMER TEEN ACTRESS MAE CATA BIDA SA HORROR FILM NA THE CONDO UNIT!
Advertisers
Ni Direk JM
MALAYUNG- malayo na rin ang narating ng gwapong actor na si Allen Ansay simula nang
sumali siya sa StarStruck nuong 2019. Nuong 2021 ay naging main stay performer at co-host din siya sa All Out Sundays ng GMA at ngayon nga ay may gagawin na siyang pelikula ang Huwag Kang Titingin ng GMA Pictures in partnership with Mentorque Productions.
Mabait at down to earth si Allen kaya di kataka- taka na pinagpapala ang batang actor na ito na sa edad na 21 ay marami na rin siyang nagawang mga proyekto tulad ng Luv Is: Caugh In His Arms kunsaan ginampanan niya ang role na Nero Sebastian Ferell sa isa sa TV Series ng GMA Regal Studio Presents episode Mind The Gap, I Like You Tol nuong 2022 at Last Love nuong 2023.
Mabait at humble talaga ang actor na ito sa katunayan nang minsan ko makita ang actor na ito kasama ang kanyang kaibigan na si Michael Sager at ka love team na si Sofia Pablo sa isang block screening sa isang mall ay nakipag selfie picture pa ito sa akin. Magkakasama rin ang tatlo sa kaabang – abang na new horror film ng GMA pictures na Huwag Kang Titingin. Aabangan talaga natin ito at ng kanilang mga fans. Samantala, kumusta naman kaya ang film ng KMJS Gabi ng Lagim The Movie kailan kaya natin ito mapapanuod?
Sa kabilang dako ay may gagawin ding movie ang new showbiz comer na si Bless Mae Cata na gaganap na Lead Role sa Horror Film na The Condo Unit ng AAGS Movie Productions to be shoot October next month Co-Stars niya sa naturang film ang veteran actor at host ng Whatta Whatta ng Euro TV na si Tito Boying Lino Mallari at komedyanteng ka look-a-like ni Ed Caluag na si Ed Calawang.
Nakapag guest na rin ang singer at actress na si Mae Cata sa ilang shows tulad sa Euro TV Whatta Whatta with Tito Boying Lino Mallari, Fun and Laugh With Ron Sarol at kamakailan lang sa DWIZ Sulong Na Bayan para I – promote ang kanyang song na Huwag Ka Sanang Magbago na lalabas soon sa Spotify, Itunes and Apple Music compose by Wowie Dela Torre.
Abangan natin ang iba pang movies at projects ni Bless Mae Cata.