Advertisers
Usap-usapan ngayon ng mga netizen kung matutuloy pa ang kasal ni Ryan Bang at kanyang fiancée na si Paolo Huyong.
Ito’y matapos alisin ni Paola ang kanilang engagement photos sa kanyang Instagram page.
Bukod dito, hindi rin nakaligtas sa mga matang-lawin na netizen na hindi na raw sinusuot ni Paola ang kanyang engagement ring batay sa kanyang latest video na ini-upload noong August 27.
Isinapubliko ni Ryan ang relasyon nila ni Paola noong 2023 at ang kanilang engagement nitong nakaraang June.
Sey ng mga netizens sa Reddit:
“Paola deserves so much better anyway. Idk if ako lang pero sa vlogs nila the girl looks genuine, sounds intelligent, and comes from a loving family. True na di ko naman alam behind the scenes pero pag nag-uusap sila sa vlog, di talaga same energy.”
“Honestly parang hindi talaga sila swak. Who knows how they are in private but Idk but around the time naging sila super atat na atat na si ryan to be in a relationship and i guess both of them got carried away. If this is true then not surprised and atleast hindi umabot sa kasal.”
“I guess the pressure of it all. I think the girl is so reserved and Ryan pushing everything into limelight proved too much. And imo I felt that proposals should be intimate.. i mean it all went too fast for her. Probably overwhelming. Wish both of them goodluck.”
Christine Reyes may private lovelife na ngayon
Kinumpirma ni Christine Reyes na mayroon na siyang manliligaw na isang non-showbiz personality.
Ayon sa actress na masaya ito ngayon at mas pribado na.
Hindi naman na ito nagbigay ng anumang detalye sa bagong karelasyon niya.
Naging maayos naman aniya ang ginawang pakikipaghiwalay niya sa actor na si Marco Gumabao.
Dagdag pa nito na malaki pa rin ang respeto nila sa isa’t-isa matapos ang kanilang hiwalayan.
Will Devaughn ikinasal na sa non-showbiz GF
Ikinasal na ang actor na si Will Devaughn sa kaniyang non-showbiz na nobya na si Joanne.
Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang ilang mga larawan na kuha sa kaniyang kasal.
Ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Batangas na dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan at kaanak ng dalawa.
Pinasalamatan nito ang mga dumalo sa pag-iisang dibdib nila.