Advertisers

Advertisers

Panalo ni Eala, patotoo na magaling ang Pilipino!

0 52

Advertisers

ANG makasaysayang panalo, ang pagiging world champion ni Alex Eala sa torneo ng tennis, ito mandin ay sariwang buhos ng ulan, sa panahon ng tag-init sa isang disyerto.

Hindi basta panalo lamang ito ng 20-anyos na si Alex, ito, sa paniniwala ko ay panalo nating Pilipino, lalo na at uhaw na uhaw tayo sa magandang balita, ngayon na ang
bansa natin ay nalulunod sa nakaririmarim,
nakasusuklam na isyu ng korupsiyon — na ngayon ay nagdudulot ng matinnding galit, ng bumabangong paghihimagsik sa sambayanan.

Lalo na’t kabi-kabila ngayon ang protesta ng bayan upang panagutin ang mga tiwaling nandarambong sa trilyong pisong buwis ng taumbayan, at ang pag-uusig sa
mga nagkakamal ng nakaw na yaman mula sa mga palpak at guni-guning flood control projects, na mismong si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr. ang nagpupusirge na usigin, panagutin ang mga korap na taong gobyerno, at mga
kasapakat sa pandarambong sa yaman at tiwala ng sambayanan.

Ang kahanga-hanga, magkasunod na tagumpay ang itinala ni Alex sa loob lamang ng isang araw, na nasaksihan ng buong mundo, ang batambatang dalaga ay
hindi ang inaakala ng marami na madaling talunin ng mga de-kalibreng tennista ng mundo.

Ipinakita niya sa laban niya kay Udvardy na siya ay hindi madaling talunin, at sa huling bitaw ng raketa, mala-kidlat na isinambulat niya ang hagupit ng panalo sa ikatlong set ng labanan.

Angat sa score na 4-2, Eala, nasa panganib na matalo siya sa huling ika-7 ikot ng labanan, pero dahil dugong magiting. sa huli, itinanghal si Eala na kauna-unahang
Filipino na nagwagi ng WTA championship.

Ang panalo ni Alex sa Guadalajara ang
pinakamalaking ambag sa kuwintas ng maraming tagumpay niya — kasama ang limang International Tennis Federa#on (ITF) singles titles at ang 2022 US Open girls’ trophy.

Pinakahuling paghawak niya ng tropeo bilang kampeon ay noong Hulyo 2024, sa singles and doubles sa W100 Vitoria-Gasteiz in Spain.

At mula noon, malalaking torneo na ang sinalihan niya, ang tatlong Grand Slam, kabilang ang kanyang historic first-round win sa 2025 US Open.

Sana sa darating na paglaban niya sa Sao Paulo Open sa Brazil mula Setyembre 8 hanggang 14, muli niyang iuwi ang tropeo bilang kampeon.

Tayo ay sobrang tuwang-tuwa, overjoyed talaga, Alex sa yung panalo, congratulations, God Bless you.

Mabuhay! Bumabaha tayo sa galak, nalulunod ang mga puso ng ating kababayan sa pagmamalaki, pagkat isang Pinay, ang pumapawi sa pighati sa nararanasang pagkalunod sa umaapaw na korupsyon sa ating bansa — na kagagawan
ng mga taong pinagkatiwalaan natin na siyang tutubos sa kahirapan ng mamamayang Pilipino. Sa iyo, pagpupugay, Glory to God!

Kung ang mga politikong gahaman sa salapi ang nagpapalugmok sa ating bansa, ikaw naman, Alex ang bagong bukal ng pag-asa at pagmamalaki at dangal at
kaligayahan ngayon ng ating bansa.

Ikaw, ang panalo mo, Eala, ang isa sa
pinakamagandang balita sa bansa ngayon, at sa susunod, lunurin mo pa kami sa mga tagumpay mo sa susunod na WTA 250, 500 etc.

Wag nang mga multong proyektong parusa sa bayan ang dapat pondohan ng gobyerno, mas ibuhos natn ang higit pa sa sapat na tulong sa mga atletang Pinoy.

Sa ganito, marami pang Eala, marami pang tulad ni 8-division champ Manny Pacquiao ang sumilang at maging karangalan natin.

Lunurin natin sa suporta ang magagaling na talentadong Pinoy, upang makapagparami pa tayo ng maipagmamalaking manlalaro sa mundo.

Ang tagumpay mo, Eala, sa 2025 Gudalajara ay patunay, lahat ng balakid sa problema ay kayang-kayang talunin, at sa harap ng mga pagsubok, ang lahat ng
sakripisyo ay magbubunga ng malaking tiwala sa sarili, tanging sukduklan niyon ay karangalan, hindi lamang pansarili, kungdi, patotoo, iba ang dangal ng Pilipino.

Nagawa mo ang imposible, at ikaw ngayon, ang bagong simbolo ng Pilipino, taas-noo sa buong mundo.

Sa tagumpay mo, Eala, bumabangon sa puso ng sambayanan, makababangon tayo laban sa mga tiwali, magtatagumpay tayo laban sa kabuktutan.

At sa mga darating na panahon, ngayon na gising na gising na ang sambayanan, gagawin ng mamamayang Pinoy ang tamang pagbangon laban sa korapsiyon at
makakaahon sa paglubog sa kumunoy ng katiwalian.

Your historic win is a testament, we Filipinos can be great again!

Mabuhay ka, kampeon, Alex Eala!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.