Advertisers

Advertisers

Robin galit sa mga pabebe

0 21

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGHAIN ng panukalang batas si Senador Robin Padilla na kung tawagin ay ‘Anti-Pabebe Act’.

Layunin ng panukalang ilunsad ang mandatory integration ng practical life skills, values formation at environmental awareness sa basic education program.

Sa pamamagitan nito, kumpiyansa naman ang mambabatas na matututo ang mga bata na maitawid ang mga suliraning dinaranas nila araw-araw at maging mula sa pressure ng lipunan.

Ayon sa paliwanag ng kanyang chief of staff na si Atty. Rudolf Philipp Jurado, ang salitang “pabebe” ay tumutukoy sa “tendency to act overly pretentious or exaggeratedly delicate in speech and behavior” — isang ugaling umano’y lumalala sa mga kabataan sa panahon ng social media.

Sa panukalang batas, binigyang-diin ni Padilla ang pangangailangan ng mga kabataan na matutong humarap sa mga hamon ng buhay. “They seem to lack the support required to acquire and reinforce the necessary life skills,” aniya. “Traditional mechanisms for passing on life skills (e.g. family and cultural factors) may no longer be adequate, considering the influences that shape young people’s development nowadays”

Kabilang sa mga iminungkahing aktibidad sa ilalim ng batas ay ang:

Pagsasagawa ng school gardening at composting

Pagtuturo ng basic cooking, sewing, budgeting

Paglahok sa community-based environmental projects

Hands-on carpentry at household skills

Lahat ng pampubliko at pribadong institusyon mula Kindergarten hanggang Grade 12 ay saklaw ng panukala, kung maisasabatas.

Ang Senate Bill No. 1300 ay isinampa noong Agosto 27 at itinakda sa Committee on Basic Education at Committee on Finance noong Setyembre 16 para sa deliberasyon.

Layunin ng panukala na palakasin ang psychosocial competence ng mga mag-aaral — ang kakayahang mapanatili ang mental well-being at makipag-ugnayan nang responsable sa iba habang umaangkop sa mga pagbabago sa lipunan at kapaligiran.