Advertisers

Advertisers

SEN. PIA CAYETANO AT ANG GILAS NG PADEL PILIPINAS

0 24

Advertisers

TABI muna ang basketball, volleyball, boxing, gymnastics, weightlifting, billiards, chess, tennis at iba pang sports na nakapagpasiklab ang Pinoy sa dayo at bigyang daan ang pagdating ng bagong larangang sisiklab tayo sa pandaigdigang entablado ang PADEL sport.

Matapos na maitala ang makasaysayang tagumpay sa nakaraang 2025 Asia Pacific Padel Cup( APPC) na humataw sa Selangor,Malaysia kamakailan lang.

Kinilala at binigyang -pugay ng Philippine Senate ang ating pambansang koponan sa Padel dahil sa naiuwing karangalan para sa bansa kung saan ang pormal na rekognisyon ay ginanap kahapon sa plenaryo ng Senado sa pangunguna ni Senate President Tito Sotto, founding head ng naturang larangan na si Sen. Pia Cayetano, Sen. Migz Zubiri, Sen. Alan Peter Cayetano, Sen.Bong Go atbp

Buong giting na winalis ng national ang kabuuan ng torneo sa pagdomina kontra powerhouse teams na Malaysia,Hong Kong,Thailand, South Korea,Pakistan ,Singapore at India upang tanghaling kampeon sa rehiyon.

Ipinahayàg naman ni Senator Pia Cayetano, founder ng Padel Pilipinas, ang kanyang omnibus sponsorship speech na isang pagpupugay sa mga atleta,coaches tampok ang mga natatanging manlalarong sina Joanna Tao Yee Tan at Johnny Arcilla, na ginawaran ng Female and Male MVPs ng prestihiyosong APPC.

Bunga ng wagi ng Padel Pilipinas ay nagkakaisang lumimbag ang Senado ng resolusyon ng pagbati at pagpupugay kina Tan and LA Cañizares sa kanilang paghataw ng Mixed Pro title sa APPT Kuala Lumpur Open, gayundin ang Pro Female ni Tan sa APPT Bali Open.

“I have seen our team grow from a hopeful beginning to a glorious triumph, and to witness their victory, to see our flag raised on the international stage, is to see that vision fulfilled,” sambit ni Cayetano. “Our athletes have carried our flag with pride, inspired the next generation, and made history for Philippine sports.”aniya pa.

Matapos ang kanilang international triumph sa Malaysia ay patuloy ang misyon ng ating magigiting na padelistang Pinoy na ang puntirya ay ang maihataw nila ang winning tradition tungo sa world stage at iyan ay magiging realidad dahil sa pinamamalas na suporta ng pamahalaan sa pagsisikap ni Sen.Pia,pribadong sektor,corporate at ng Padel Pilipinas community.

Hudyat na rin ng pag-asenso ng padel sport sa bansa ay ang pagtatayo ng mga padel courts sa mga siyudad at bayan sa buong kapuluan nauna na ang binasbasang bagong padel court sa Talisay City sa Cebu kamakailan na hudyat na ng mistulang kabuteng pagsulpot padel courts sa mga lalawigan para sa mga kabataan…

ABANGAN!!!

FYI: Padel is a sociable,fast -paced racket sport played in doubles on an enclosed court that is a blend of tennis and squash.It uses stringless rackets,lower pressured balls and tennis style scoring.The key distinguishing feature is the court’s glass or mess walls which the ball can bounce off after hitting the ground,adding a strategic. element to the game.

LOWCUT: Special shoutout sa ating mga kaisport diyan sa Senate na sina Ms Mae Casabar,Bro Lito Espiritu,Ms Angie at Bro Arman Perez..ALL THE BEST!