Advertisers
Ni BETH GELENA
MAY post si Ogie Alcasid ng congratulatory note kay Jessica Sanchez, Fil-AM na nag-champion sa America’s Got Talent Season 20.
Ani Ogie: “Congratulations to Jessica Sanchez for winning the 20th season of America’s Got Talent. This was taken in 2018 when she was a guest at asap in hawaii!! As a fanboy tyo dyan!’
” Proud Pilipino”
“T9 everyone with a dream, know that your dreams are valid, and on your path, you are never denied and only redirected,” mula naman kay Miss U 2018 Catriona Gray.
***
MAY bago na namang isyu sa The Rising Star Shuvee Etrata, after niyang magpaliwanag hinggil sa post niya noon about DDS.
Ngayon naman ay nasa thread silang magtyuhin dahil nababawasan naman umano ng followers dahil sa kanyang tiyuhin.
Ani ng isang faney: “Yung tito/manager ni Shuvee na DDS kung makapagsalita akala mo may best actress award na ang pamangkin niya. Hinay hinay, dumami lang raket yumabang agad?! Isa pa, ABS CBN lang naman nagbigay ng malaking exposure sa pamangkin niya. Sorry, but unfollowed Shuvee na.”
Komento naman ng isa: “I get the point but maybe cut her some slack, she’s young and has a lot to learn. Brilliant people are surrounding her, she might be influenced by them sometime in the future. Her tito however, just isn’t good for her career. Way PR training.”
“Never followed her”
Tanong ng isang commenter: “ano ba niyabang?”
“Yung tito nya full blooded DDS yung choice of words kitang kita pag nanghingi ng apology yan for damage control na lang.”
Payo naman ng ibang commenter ay magpalit na ng manager si Shuvee.
“Kung gusto nya tumagal sa industriya, kumuha sya ng ibang manager. That guy clearly doesn’t know what he’s doing. Basic PR move and damage control lang hindi pa alam. Kung ganyan ang manager nya na mas emotional at impulsive pa kesa sa kanya, she’s in deep trouble.”
“I love Shuvee. I can relate so much with her. Gave her a benefit of the doubt pa but after she posted her explanation, I unfollowed her. “Ayaw ko pong magsalita tungkol sa politics dahil napaka-divisive nito” huhu tapos it was followed ng re-story ng Tito niya na very off. I don’t think good decision na maging manager ang Tito niya. He doesn’t know any better.”
Well…sana nga baguhin na ni Shuvee ang kanyang manager kung marami ang nakakapansin na delulu ito.
Sayang naman ang kanyang career na umalagwa na. Kung nega ang tiyuhin niyang humahawak ng kanyang career ay dapat na siyang mag esep esep ng next move niyang gagawin.
***
BREAK na rin pala ang sexy actress na si Alexa Miro sa boyfriend nitong congressman na anak ni Pangulong BBM na si Sandro Marcos.
Inilahad ito ng aktres sa kanyang TikTok account na may third party daw na involved.
Noon ay hindi pinapangalanan ni Alexa kung sino ang kanyang boyfriend.
Pero, ngayon ay ang daming lumalabas na ang anak ni PBBM na si Cong. Sandro ang boyfriend nito.
Sabagay, obvious naman, kasi noong manumpa bilang congressman ang anak ng Pangulo ay naroroon si Alexa.
Kaya lang nang tinanong siya ng media, sinasabi niyang kaibigan lang daw niya ang First Son President.
Aniya: “Ayaw akong paaminin na naging kami. Bakit kaya? Isa rin yung palaisipan, di ba? Sino nagmukhang kilig na kilig sa media? E, di ako. Di ba?”
Pinangalanan ni Alexa kung sino ang naging third wheel sa kanilang relasyon, si Franki Russell, ang nali-link din ngayon kay Enrique Gil.
Hindi naman nabanggit ng TV host actress kung kailan pa sila nagbreak ng nasabing guy.
Ano kaya ang reaksyon dito ni Cong. Sandro Marcos?