Advertisers
Ni Archie Liao
NAGING habit na o krusada ba sa isang portal ang ibuking ang lifestyle of the corrupt and notorious.
Dito kasi nai-ispluk ang ginagawang paglustay ng mga tiwalang politicians at ng kanilang spoiled nepo babies sa pera ng bayan.
Nangyari ito at patuloy na nangyayari sa kasagsagan ng anomalya sa flood control projects.
Siyempre, may resibo naman kasing pinanghahawakan ang mga nag-eexpose.
Pati nga celebrities na may konek sa anumang kuwestiyonableng yaman ay agad na nakukuyog at nagiging biktima ng cancel culture sa socmed.
Naging conversation piece naman ng mga tsismosang kapitbahay ang kaso ni Enchong Dee.
Matatandaang kinol-out niya noon ang isang kongresista dahil sa magarbong kasalan na diumano’y galing sa pondo ng party list na kinakatawan nito
Ang ending, naharap siya sa multi milyong asunto ng cyber libel case.
Dahil dito, naikukumpara ng mga katkatera at sawsawera ang kaso ng aktor kay Mayor Vico Sotto.
Bago pa raw si meyor ay sakalam na si Enchong sa kanyang expose.
Ito naman ang ilang komento ng kibitzers.
“Ahead of his time Enchong Dee!”
“Hahaha totoo. Si enchong pala talaga nauna,” “sadyang wala lang xa sa position to call out then unlike vico may nakalap n pruweba”
“She can’t talk na. Haha”
“He deserved better honestly”
“totoo sana mas ma expose mga to,”
“Kawawa si Enchong nung time na yun. Alam ko ang dami pa nangbash sa kanya kase dinemanda niyang si Claudine. Ang shushunga ng mga nambash sa kanya nun. O ngayon nareveal ang mga kurakot sa flood control, eh di tama din si Enchong.”
“Justice for Enchong Dee. kurakot talaga ang mga pulitiko”
“May point si Enchong Dee. Habang may pandemya at hirap ang mga tao, ‘yung iba nagpapalipas sa Balesin? Priorities talaga.”