Advertisers
“Tunay na malasakit. Kay buti po ng ni Cong. Oducado.” Ito ang mga kataga ang narinig sa paligid maging sa FB live ni 1Tahanan Party-list Rep. Nathaniel Oducado noong nakaraan na Sabado sa Bogo, Cebu.
Hindi inalintana ng mambabatas ang hirap sa byahe at nagpasya ito magtungo sa Bogo, Cebu upang makita ang kalagayan ng mga biktima ng nakaraang lindol sa lugar at mahatidan ng nakayanan na tulong.
“Tayo po ay nanalangin sa ating Maykapal para sa mabilis na pagbangon ng ating mga kababayan na yinanig ng lindol kamakailan sa Cebu. Dasal ay pinaka-malakas na sandata sa buhay,” pahayag ni Oducado.
Patuloy pa din ang pagtala ng pag yanig sa Bogo, Cebu at mga karatig-bayan, kung saan tinataya na umabot sa 71 ang nasawi at daan-daan ang nasaktan.
“Nanawagan po ako sa ating mga kababayan, kapwa ko mambabatas maging sa ating mga kababayan saan mang panig ng bansa na ang maliit na tulong ay makaka tulong sa atin mga kababayan sa Cebu. At sama-sama po tayo patuloy ipag-dasal ang kanilang pag bangon,” dagdag ni Oducado.