Advertisers

Advertisers

“NASIRANG KAMADA?”

0 4,791

Advertisers

INANUNSIYO ni Senate Pro Tempore Senator Ping Lacson nitong Linggo ang kanyang pagbibitiw bilang chairman ng ‘Senate Blue Ribbon Committee,’ na nag-iimbestiga ng mga anomalya sa gobyerno kung saan ang sentro ngayon ay ang multi-bilyong ‘flood control project scandal.’

“Nakuha” ni Lacson ang dalawang mataas at makapangyarihang posisyon sa Senado matapos ang matagumpay nilang “kudeta” ni Senator Tito Sotto III, kay dating Senate President Chiz Escudero noon lang Setyembre 8.

Ang kudeta kay Escudero ay sinundan naman ng pagtanggal kay House Speaker Martin Romualdez na pinalitan ni Isabela Rep. Faustino ‘Bojie’ Dy III noong Setyembre 17. Siyempre pa, parehong may “basbas” nang Malakanyang ang mga nangyari.

Isa lang naman ang totoong isyu sa nangyaring mga “rigodon:” ang matinding galit ng taumbayan—at pagkunsinti (daw) ni PBBM—sa ginawang pandarambong ng mga pulitiko sa bilyon-bilyong pondo na ang bulto ay nakalaan sa ating flood control projects.

Tama. “Galit” si PBBM sa nangyari pero, ang ginawa niyang pagpirma sa pambansang badyet sa unang tatlong taon ng kanyang termino kahit may “amoy” ng anomalya at korapsyon ay mistulang “pagkunsinti” sa malawakang pang-aabuso— punto naman ng mga miron.

Ang resulta? ‘Casualty’ din ang kanyang kredibilidad na pinalubha pa ng walang habas na panggigipit sa mga kalaban partikular na sa mga Duterte at “pagkupkop” sa mga kalaban ng bayan katulad ng mga komunista.

Translation? Posibleng kaso at kulungan ang bagsakan ng kanyang angkan at mga kapanalig sakaling “kalaban” ang manalong presidente sa 2028. Ang “problema” nga kasi, wala nang
“pambato” bilang kandidatong presidente ang kampo ni PBBM.

Dito ngayon “umeksena” si Lacson at Sotto na parehong “luhaan” sa kanilang ambisyon na maging pangulo noong 2022.

Sa gtinawang kudeta kay Sen. Chiz noong isang buwan, “malinaw” ang mensahe” ni Lacson at Sotto kay PBBM: “Sila” ang dapat “manukin” ng Palasyo sa 2028 dahil “protektado” nila ang interes ni PBBM na agad nilang ipinakita bilang mga “timon” sa flood control hearings.

‘Yun lang, hindi na “bopols” ang taumbayan at nakikita ang kanilang mga diskarte at maniobra dahilan para magresign sa BRC si Lacson.

“Nasirang kamada” yata ang tawag d’yan?