Advertisers
Ni Beth Gelena
NAG-celebrate si Janine Gutierrez ng kanyang 36th birthday sa ibang bansa.
Kasama ng aktres ang boyfriend na si Jericho Rosales.
Ipinagdiwang ng actress ang kanyang kaarawan sa Cape Town, South Africa.
Sa kanyang Instagram story, isinama niya ang isang on-screen na caption na nagpapahayag kung gaano siya nagpapasalamat sa mga bumati sa kanyang kaarawan kahit na siya ay nasa ibang bansa.
Halos magkasunod lang ang kaarawan nila ng boyfriend na si Echo who turned 46 years old last September 22 at October 2 naman si Janine.
Kumbaga, double celebration na idinaos ng celebrity couple ang kanilang kaarawan.
Sa Instagram story ni Janine, taos-puso siyang nagpapasalamat sa lahat ng mga bumati at nakaalala sa kanya sa kanyang espesyal na araw. “Maraming salamat sa mga pagbati na mahal kita at napakasaya ko salamat salamat!! nakarating ako sa Cape Town para sa aking kaarawan at nagpapasalamat ako sa panibagong taon.”
Komento ng netizens: “Perfect couple”
“Hbd both of u Godbless”
“10 years and 10 days apart”
“magpakasal na kyu mga idol”
“Sulit nag-enjoy talaga ang mag-baba”
“Having you and Echo in our country it is the blessed blessing”
***
DEEJAY OUTSTANDING ASIAN STAR SA SIDA
Nanalo si Daniel Padilla ng Outstanding Asian Star Award sa Seoul International Drama Awards para sa Incognito.
Personal na tinanggap ng aktor ang kanyang award.
Ang awarding ceremony ay ginanap sa KBS Hall sa Seoul, South Korea.
Ang acceptance speech ng actor, “Una sa lahat, salamat, Panginoon. Talagang ikinararangal ko na narito ngayong gabi upang matanggap ang parangal na ito. Maraming salamat, Seoul International Drama Awards para sa pagkilalang ito.”
Dagdag pa niya, “I want to thank my Incognito and Star Creatives family. Miss Des de Guzman, directors Lester Pimentel Ong, Ian Loreños, Wang Yan Bin. I also want to thank my co-stars, Ian Veneracion, Richard Gutierrez, Baron Geisler, Anthony Jennings, Maris Racal , and Kaila Estrada.”
Hindi rin nakalimutan ni DJ ang inang si Karla Estrada, “Mama, I made it.”
***
JACKIE NILINAW ISYU SA KANILLA NI DARREN
Tinanong ang It’s Showtime host na si Jackie Gonzaga tungkol sa real score nila ng co-host singer na si Darren Espanto.
Kamakailan sa afternoon talk show na Fast Talk with Boy Abunda, natanong si Jackie hinggil sa tsismis na nali-link sa kanya si Darren.
Aniya, ‘Hindi po kami ni Darren.” Hindi rin daw siya niligawan ni Darren.
“Sa amin po sa It’s Showtime sobrang close po kaming lahat. ‘Yung relationship namin talaga, iba po talaga. Kasi every day, tito, talagang nagkakasama,” lahad pa ng dalaga.
Sa parehong panayam, kasama ni Jackie ang isa pang co-host ng It’s Showtime na si Cianne Dominguez.
Anila, mahahalagang aral na natutunan nila kay Vice Ganda, lalo na pagdating sa trabaho.