Advertisers

Advertisers

CHERRY PIE KAYANG KONTROLIN ANG SARILI SA INUMAN

0 13

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

Natutuwa kami dahil nakapanood kami ng isang pelikulang Pilipino na matino, maganda at nakakaaliw.

Ito ang “The Last Beergin” kung saan tampok sina Cherry Pie Picache, Pepe Herrera, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Minnie Aguilar at JC Santos.

Naiiba ang pelikula dahil halos iisa lamang ang location, maging ang wardrobe ng main cast, sa huli lamang nag-iba.

At kahit sa loob ng isang karinderya lamang halos umikot ang kuwento, buong husay na naitawid ng cast ang pelikula.

First time naming napanood sa isang full-length film si Xyriel, at bilang spoiled brat, aba e mahusay siya!

Nakakaaliw na nakakainis siya sa movie.

Sina Pepe, JC, at Zaijian, given na naman na mahuhusay na mga aktor, at siyempre pa, hindi na matatawaran ang husay ni Cherry Pie.

Napakahusay ni Cherry Pie sa pelikula lalo na sa mga eksenang siya ay lasing, parang totoong bangenge siya.

Sa tanong namin sa aktres kung may experience na siya sa tunay na buhay na nakakatawa o hindi niya malilimutan, kung saan nalasing siya?

“Ayoko nga na nalalasing,” pakli ni Cherry Pie habang tumatawa.

Pero masarap malasing, banggit namin kay Cherry Pie, na sinang-ayunan niya.

“Pero masarap! Pero ganyan na ako malasing,” pagtukoy niya sa mga chill na eksena niya sa “The Last Beergin”.

“Tapos pag alam kong gagawa or may mangyayari na, na dapat ko nang ikahiya, iyon na, ume-exit na ako nun!

“Yung ganun.”

Kaya raw niyang kontrolin ang sarili niya sa pag-inom ng alak.

“Yes… ng konti! Ha! Ha! Ha! Pero siyempre parang katulad niyan, akala mo may control ka pero hindi, wala.

“Parang ganun, di ba? So… masarap. Ha! Ha! Ha!”

Sa direksyon ni Nuel Naval, palabas na sa mga sinehan ang “The Last Beergin”, mula sa Cineko productions at Obra Cinema.