Advertisers
Ni Anne Venancio
From “aparador” to “kalansay,” hindi talaga ligtas sa body-shaming ang public eye!
Diretsahang sinagot ni Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose-Quiambao ang mga netizen na nagkomento sa kapansin-pansing pagbabago ng kanyang hitsura at pangangatawan.
Sa Facebook post noong Oktubre 6, nilinaw ni Niña na wala siyang sakit at sadyang gusto lamang niyang maging payat.
“By the way wala akong sakit, sadyang gusto ko lang maging skinny,” pahayag ng alkalde.
Biniro rin niya ang mga netizen na nagkumpara sa kanya sa karakter na Corpse Bride dahil sa kanyang bagong hitsura.
Ayon kay Niña, hindi na bago sa kanya ang mga komento tungkol sa kanyang katawan.
“Nakakatawa lang kasi when I was bigger, tawag sa akin aparador, nung puti face ko chimchamchu, yung payat naman ngayon kalansay or tarsier,” aniya.