Advertisers
Ni Anne Venancio
Hindi na mahalaga kay Julia Barretto ang edad kung kailan siya magpapakasal dahil mas nais niyang mahanap ang tamang taong makakasama niya habang buhay.
Sa guest appearance niya sa talk show na The B Side ni Bianca Gonzalez, sinabi ng aktres na dati niyang pangarap na makapag-asawa sa edad na 25.
Sa segment na “Burning Questions,” binalikan ni Bianca ang naging pahayag ni Julia sa dating panayam sa photographer na si BJ Pascual.
Ayon kay Julia, hindi na niya sinusunod ang timeline na itinakda niya noong mas bata pa siya. Mas mahalaga na ngayon sa aktres ang pagpili ng tamang makakasama kaysa pagmamadali sa pag-aasawa.
Nagpahayag din siya ng pasasalamat na hindi natuloy ang plano niyang magpakasal sa edad na 25 dahil hindi pa siya handa noon sa responsibilidad ng pag-aasawa.
Dating karelasyon ni Julia ang aktor na si Gerald Anderson. Kinumpirma ng Star Magic ang kanilang paghihiwalay noong Setyembre 2025.
Noong Hunyo 2024, sinabi ni Gerald na handa na siyang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya. Samantala, ibinahagi naman ni Julia noong 2022 na handa siyang tanggapin ang marriage proposal ni Gerald at iwan ang showbiz para sa kanya.