Advertisers

Advertisers

DEREK NABUDOL NG MALAKING HALAGA NG KAIBIGAN; MALAKING KAWALAN SI NADIA KAY ROBIN

0 16

Advertisers

Ni JIMI ESCALA

MARIING itinanggi ng semi retired actor na si Derek Ramsay ang isyung hiwalay na sila ng kanyang asawang si Ellen Adarna.

Sa pamagitan ng kanyang Instagram Story ay nag komento si Derek sa ang isang lumabas na blind item na naghiwalay na silang mag-asawa, huh!

“I’ll just keep it very simple. There’s no truth to anything that was said. That’s it guys, that’s all I have,” banggit pa ni Derek.

Matagal na rin namang naging usap usapan na hiwalay na sila dahil base sa mga post ng mag-asawa, hindi sila magkasama sa bahay, huh!

Ito ay kabaligtaran sa mga ipino-post nila noon na masaya at nagkukulitan kasama ang kanilang anak, huh!

Matagal nang pinag-uusapang hiwalay na sila dahil base sa mga post ng mag-asawa, hindi sila magkasama sa bahay.

Ito namang si Ellen Adarna ay hindi naitago ang saya nang mapansin ng F4 member Kim Bum ang isa sa mga post niya.

Super tili at hiyaw siya habang nasa sasakyan na may mga kasama.

May ina upload kasi siya ng isang video ng kanyang sarili na sumasayaw at nagli-lipsync sa hit ng Meteor Garden na Jue Bu Neng Shi Qu Ni (Can’t Lose You), na may overlay na text na Learn Chinese or trust men.

Kaya yun nagkomento ng mga emoji si Kim na nagpakilig at nagpatili ng grabe sa asawa ni Derek, huh!

Kasabay din ang pagyaya ni Ellen sa F4 member na pumasyal ng Pilipinas at nag-congratulate na may-asawa na ito.

Well, hiwalay na ba talaga ang dalawa o gumawa lang ng ingay? Sana linawin ng mag-asawa ang totoong status ng relasyon nila, huh!

May isa pang isyung dapat linawin din ni Derek ang isyung
nabudol ng malaking halaga daw siya ng isang kaibigan, huh!
***
PARA sa mga taga pelikula lalo na sa mga showbis writers ay isang malaking kawalan ang aktres na si Nadia sa opis ni Senator Robin Padilla.

Ang semi retired aktres kasi ang nilalapitan ng mga taga showniz pagdating sa mga kailangang tulong ng mga ito sa tanggapan ni Sen. Padilla.

Ang pinamigay na ayuda sa mga movie workers nung pandemya kasama na yung mga Guarantee letters para sa mga nagkakasakit at namatayang kaibigan o kamag anak ay napapadali dahil sa assistance ng isang Nadia Montenegro.

Kaya nang nag resign si Nadia ay bilang staff ni Robin ay marami ang nalungkot, huh!

Boluntaryong nagsumite si Nadia ng resignation bilang staff ng nananggit na senador may ilang buwan na ang nakaraan after makaladkad ang pangalan niya sa isyu ng marijuana sa loob mismo ng CR ng senado, huh!

Biglang lumutang si Nadia nung isang araw para pormal na magsampa kaso sa mga taong sumira raw sa pangalan niya, huh!

Dahil daw sa pangyayaring yun ay
dumaan daw si Nadia Montenegro sa trauma therapy.

Banggit pa ni Nadia sa interview sa kanya ay
halid tatlong buwan ang therapy na ginawa sa kanya para malagpasan ang trauma na pinagdaanan niya dahil sa pangyayaring yun, huh!

Empleyado daw ng senado ang nag akusa kay Nadia na diumano ay gumamit siya ng marijuana sa comfort room ng Senado, huh!
Kaya naman binalikan niya ang nagsabi at pormal na naghain ang aktres ng kanyang complaint affidavit sa Pasay Prosecutor’s Office ngayong Miyerkules ng hapon, at idinetalye niya ang mga pangyayari, huh!

May nagsabi raw sa kanyang may naiinggit sa kanya, at nagsumbong ang staff ng isang senador na gumamit daw ng marijuana ang aktres sa loob ng comfort room sa Senado.

Nakasaad din sa affidavit na ipinakita raw ni Nadia ang bag niya, at wala raw nakitang marijuana, kundi ang vape na ginagamit niya.
Kahit may ebidensiya raw na hindi siya humithit ng marijuana, nag-isyu pa rin daw ng incident report ang staff ng isang senador. At ang malala pa ay isinapubliko pa raw ito ng staff, huh!

Ang isa pa raw sa ikinalungkot ni Nadia ay nadamay daw pati
ang mga anak niya na nabu-bully at inakusahang “anak ng drug addict.”