Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA isang panayam, nabanggit ni Alden Richards na malaki ang naging impluwensiya sa kanya ni Coco Martin.
Isa si Coco sa mga artista na bukod sa pagbibida sa kanyang mga proyekto, ay siya rin ang nagdidirek at nagpo-produce.
Ngayon nga ay tinutularan siya ni Alden. May idinirek at pinrodyus itong isang pelikula, na siya rin ang bida.
Sabi ni Alden,“Aside from being a director po, actor din ako dito, and then at the same time producer din. So, ang number one trabaho ng producer is to make the budget work. In all of those things, I am overlooking and overseeing all of that.
“It was really taxing actually, pero sobrang fulfilling ‘yung experience na kahit papaano, nairaos namisiya,” aniya pa.
****
SUMABAK na rin si .Mark Herras ang pagnenegosyo. Nagtayo siya ng store na ang ibinebenta niya ay mga karne.
Sabi ni Mark,”Syempre bago pa ang lahat sa akin.Marami pa akong inaalam sa mga bagay-bagay.
“20 years ang ibinigay ko sa showbiz This is my first major business talaga, which is magandang type of business kasi,karne Kumbaga everyxay ginagamit natin,binibili natin,
“Ito yung takbuhan ko after showbiz,”
Naisip ni Mark na bukod sa pag-aartista,ay kailangan pa rin niya na humanap ng ibang pagkakakitaan para sa kanyang pamilya.
“Kaya siya mahalaga sa akin kasi ito yung bumubuhay sa pamilya ko
“Ako kasi kumbaga,ang target ko sa buhay is to provide. To be the provider of my family.
“So kung hindi gaanong sinuswerte sa showbiz,hindi pwedeng mag-relax o magpahinga dahil may binubuhay akong pamilya,”pakli pa niya.