Advertisers
Ni JULIET Q. PACOT
SIMPLE ngunit masaya ang naging kasal nina Alex Gonzaga at Councilor Mikee Morada ng Lipa City sa kabila ng Covid-19 pandemic.
Ganap nang nagpatali si Alex kay Morada na ilang taon ding naging magkasintahan at kailan lang nang mamanhikan ang magulang ni Mikee sa magulang ni Alex para hingin ang kamay nito
Naganap ang “Pamamanhikan 2020” sa bahay nina Alex sa Taytay, Rizal pero ipinauna naman ng future bride na safe naman silang lahat sa COVID-19.
Inilihim ang kasal sa fans ni Alex para hindi ito mabulabog sanhi ng protocol sa pandemic at maging simple at solemn lang ang okasyon.
Present ang lahat ng miyembro ng both families kabilang na sina Toni Gonzaga and husband Paul Soriano with their son, Seve.