NPC Art exhibit, binuksan
Advertisers
Matagumpay na idinaos ng National Press Club ang art exhibition nitong Huwebes (Oct. 9) kaalinsabay ng nalalapit na 73rd founding anniversary ng Club na may temang Preserving Legacy @ 73 na kinatampukan ng apat na kinikilalang art groups sa bansa.
Dinaluhan nina dating Senator Nikki Coseteng at Malaysia Ambassador to the Philippines Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino ang naturang okasyon kung saan nakasalamuha ang ilan sa mga primyadong maestro sa larangan ng Sining katulad nina Rafael Popoy Cusi, Tam Austria, Romeo Gutierrez, Nelson Castillo, Jesse Marinas at Paul Dimalanta.
Pinasalamatan naman ni NPC President Leonel Abasola ang mga nagsilahok sa 2-week art exhibit na kasalukuyang ginaganap at magtatapos sa Octubre 24, 2025 sa Bulwagang Plaridel ng NPC sa Intramuros, Manila.
Kabilang sa mga grupong lumahok ay ang Professional Art Restorers Society of the Philippines and Asia, Inc. (PARSPA), Filipino Advocates for Visual Arts (FAVA), Grupo Artistiko at Brushworx ph.
Naisakatuparan ang pinaka aabangang art exhibit sa pamamagitan ni NPC Director Benedict Abaygar na pangunahing abala sa programa sa pakikipag tulungan ng mga sponsors AO Coffee, M2 Veggie Drink at Tinapayan Festival.
“Isang pagpupugay sa husay at galing ng mga Pinoy, nararapat lamang na ipagmalaki ang talento ng ating mga kababayan hindi lamang dito kundi maging sa ibang bansa, tunay na pang world class ang dating, dagdag pa ni Abaygar.
Ang naturang exhibit ay bahagi rin ng selebrasyon ng programa ng NPC na nauna ng kinatampukan ng isang Concert fo a Cause na may temang: “Musika para sa Malayang Pamamahayag” nitong Agosto 30 sa pakikipag tulungan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Converge at iba pang sponsors.