Advertisers

Advertisers

SARAH LAHBATI AGAW-EKSENA SA PFW

0 13

Advertisers

Ni Beth Gelena

Agaw-eksena si Sarah Lahbati nang magsalita siya ng fluent sa sa Paris Fashion Week.

Nakatutok sa kanya spoglight habang na-amaze ang netizens nang matatas siya nagsalita ng French sa kanyang pagrampa sa PFW.

Sa isang video na inilabas ng isan ipinahayag ni Sarah ang kanyang pananabik para sa Mugler show, na una niyang dinaluhan.

Ang aktres ay ipinanganak sa Switzerland at hindi lang siya sa wikang Pranses matatas magsalita kundi maging sa German at Arabic.

Mabilis na nagviral ang video, na umani ng papuri at mapaglarong komento online.

Sa clip na ibinahagi ng magazine, makikita si Sarah na kumpiyansang nagsasalita ng French.

Ibinahagi ng aktres kung gaano siya natuwa nang masaksihan ang pagtatanghal ng iconic fashion brand, na kamakailan ay tinanggap ang isang bagong creative director na si Miguel Castro Freitas na isang Portuguese.

Paris-based na ang designer at dating nagtrabaho sa mga high-end na fashion house gaya ng Dior, Dries Van Noten, at Yves Saint Laurent.

Ang kaganapan ay isang star-studded affair, na dinaluhan ng mga international celebrity tulad nina Elizabeth Berkley at Pamela Anderson.

Sa parehong video, nakitaan din si Sarah ng mainit na pagbati sa kapwa Pinay star na si Anne Curtis, na present din sa iba’t ibang PFW shows.

***

EMILIENNE VIGIER MAY TENDER BIRTHDAY POST PARA KAY JOSHUA GARCIA

May tender birthday post ang girlfriend ni Joshua Garcia na si Emilienne Vigier para sa kanyang 28th birthday.

Isang simpleng larawan nilang dalawa ang ibinahagi ng Filipina-French golfer, at saka sinulatan ng caption: “happeh burdei jtmmmmm,” (wikang Pranses).

Mabilis namang rumesponde ang mga tagahanga ng aktor ng pagmamahal at pagbati para sa kanilang idolo.

Maging si Anne Curtis na leading lady ni Joshua sa kanilang teleserye ay bumati rin sa wikang Pranses.

Aniya, “Awww Joyeux Anniversairie Patrick! Maligayang Bati!”

Sumagot si Emelienne, “@annecurtissmith sabi ko kay josh dapat magFrench lessonkayo talaga kayo ms Mia hahahaha”

Ang ibang netizen ay bumati rin sa comment sections ng girlfriend.

Pero hindi Joshua ang name na sinasabi nila kundi “happy birthday patpat”

Natanim sa isip ng avid viewer ang karakter ni Joshua bilang si PatPat sa naturang It’s Okey… na Kdrama Pinoy adaptation.