Advertisers
Nakorner si Cherry Pie Picache tungkol sa dating karelasyon na si Edu Manzano sa presscon ng pelikulang ‘The Last BeerGin.’
Ayon sa aktres, nagkita silang muli ni Edu sa Araw ng Pagkakaisa ng Pelikulang Pilipino noong Agosto 9 sa Quezon City. “Nagkita kami after more than two years. Ang gaan lang sa pakiramdam, parang walang nagbago.’
Giit nito, maayos ang kanilang komunikasyon kahit matagal na silang hiwalay. “Nagkausap kami ulit, nagkamustahan. Nag-message ako nung birthday niya. Wala namang samaan ng loob—everything’s peaceful between us.”
Nang tanungin ang aktres kung aware ba siya sa bagong nali-link kay Edu, aniya, “Kung meron man, good for him! Masaya akong maayos ang takbo ng buhay niya.”