Advertisers

Advertisers

Elias J.TV ‘di nabigyan ng visa sa U.S tour dahil sa kasong sinampa ng manager

0 17

Advertisers

Hindi natuloy ang inaabangang U.S. concert tour ng Filipino rapper na si Elias Lintucan, mas kilala bilang Elias J.TV, kasama ang kanyang banda. Dapat sana’y sunud-sunod ang kanilang pagtatanghal sa Hawaii, Los Angeles, San Francisco, Las Vegas, at Texas mula Setyembre 19 hanggang 28, 2025, ngunit naudlot ito matapos silang hindi mabigyan ng working visa ng U.S. Embassy sa Pilipinas.

Naaprubahan na ng U.S. government ang petisyon para sa kanilang performance, ngunit na-block ang paglabas ng visa dahil sa mga kasong estafa at breach of contract na isinampa ng kanilang dating manager na si Beverly Labadlabad. Noong Agosto 5, 2025, naglabas pa si Labadlabad ng Notice and Warning sa pamamagitan ng Topacio Law Office, na nagbabala sa mga promoter laban sa pakikipagkontrata kay Elias nang walang pahintulot niya.

Dahil dito, nagkaproblema rin ang mga promoter at producers na naghanda para sa naturang U.S. tour. Nauna nang naglabas ng video invitation ang grupo kahit hindi pa aprubado ang visa, dahilan upang madismaya ang mga Filipino fans sa Amerika.



Bukod sa U.S. tour, nakansela rin ang concert ni Elias sa Prosperidad, Agusan del Sur noong Oktubre 6, 2025, dahil umano sa “problema sa kalusugan” pero pinabulaanan ito ng banda.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">