Advertisers

Advertisers

Dwayne Garcia first love ang acting, pero may career din sa music

0 20

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

AMINADO si Dwayne Garcia na sa unang sabak niya sa showbiz ay mas incline siyang magkaroon ng acting career, kaysa maging singer.

Pahayag ni Dwayne, “Sa usapang pag-arte, game na game po ako dahil ito ang aking una at pangunahing hilig, bukod sa pagkanta at pagsayaw.



“Pumasok po ako sa showbiz noong ako ay siyam na taong gulang. Nagsimula po ako sa workshop ng Star Magic acting workshops, at nabigyan ng pagkakataong gumanap bilang “Dino” sa Knowledge Channel na Wikaharian sa ABS-CBN. Napatigil lamang ito dahil sa pandemya.”

If papiliin siya between acting and singing, ang una raw ang pipiliin niya. “Acting po talaga, ito ang una kong passion at dito po ako nahubog sa pamamagitan ng workshops,” pakli pa ni Dwayne.

Ano ang kanyang dream role? “Gusto ko po is drama talaga, siguro po in the future kapag frequently ay may mga project, gusto ko rin pong ma-try ang action.”

Si Dwayne ay naging bahagi ng pelikulang Outside De Familia ni Direk Joven Tan. Ngayon naman ay labas na ang second single niyang ‘Para Na Muna’ na komposisyon ni direk Joven at released ng Star Music.



Bukod sa pagiging singer, tuloy-tuloy din ba ang pagiging artista niya?

Tugon ni Dwayne, “Hopefully po, marami pong projects to come, more opportunities and … talagang napaka-thankful ko po kay Direk Joven na binigyan ako ng opportunity para makasama sa Outside De Familia at sa mga kasama ko po ritong mga beteranong artista na ang gagaling po.”

Nagkuwento pa ang 15 year old na bagets sa kanyang latest single.

Aniya, “Ang song ko po na Para Na Muna ay tungkol sa mga relasyon o problema sa buhay na unhealthy na at hindi nakabubuti. Ipinapakita nito kung gaano kahalaga ang magpahinga muna at pag-iisip ng mga solusyon para ma-overcome ang mga problema at para mabawasan ang stress at makapag-refocus.

“Ang titulong Para Na Muna ang napili naming ni Direk Joven dahil ito ang mensaheng nais kong maramdaman ng mga nakikinig: ang magpahinga muna at bigyan ang sarili ng oras para malampasan at maresolba ang mga problema.

“Available po ito sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at marami pang ibang digital platforms.”

Ayon pa kay Dwayne, nag-agree sila ni direk Joven sa theme ng latest single niya.

“Nag-agree po kami ni direk Joven na ang maging tema ng new single ko yung makaka-relate mostly yung GenZ at mga kaedad ko po. Napakaganda po ng song, nae-express po siya sa upbeat at napaka energetic po na song.”