Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Malaking hamon para kay Jericho Rosales ang gumanap sa talambuhay ng isa sa mga pinakamakulay na personalidad sa kasaysayan: ang buhay ni Manuel L. Quezon.
Aminado naman siyang pag-uusapan o kaya’y maikukumpara sa iba ang kanyang pagbibigay buhay sa katauhan ng Philippine Commonwealth President.
Aniya, masigasig daw ang naging pag-aaral niya sa nasabing titular role.
Sey pa niya, para epektibong maitawid niya ang nasabing papel, hindi niya inakting kundi ginaya o isinapuso ang katauhan nito.
“Pag inakting mo kasi di siya totoo.Kailangang maging totoo siya sa iyo. Kailangan namin na gayahin o isapuso siya. Kailangan naming maintindihan ni Ben (Alvez) as younger Quezon pati iyong mga staff who oversee us na consistent kami. We all have to understand kung paano siya mag-isip, paano niya gamitin ang kanyang karisma, paano siya sa tao, sa relasyon, sa mga gamit, sa pananamit,”aniya.” Kailangan naming gayahin o isapuso. Kaya nga nagkakalkalan kami and just like I said, lagi kaming nagpapasahan ng information. Meron naman kaming sapat na materials. Sapat iyong materials namin kahit sa pinakamaliit na kibot o detalye niya,” dugtong niya.
Hirit pa niya, bukod sa malaking karangalan, worth it daw naman ang naging efforts nila sa paggawa ng pelikula.
” Pagkatapos ng pelikula, nakakapagod siya. Lahat kami naiyak. Para gawin kasi ang isang napakahirap na proyekto, kailangan mo ng collaborative efforts ng lahat. Everyone did his part, from the cast, crew and all the team involved. Am proud to be a part of it, “bulalas niya.
Feeling niya, kung di man siya literal na sinapian ni Quezon, naramdaman naman niya at nabigyan ng hustisya ang pagsasalarawan dito.
” Actually, kita naman sa mga photographs. Di naman ako sinapian. Punyeta lang ako nang punyeta. Di naman sinapian spiritually. Siguro iyong ugali niya pinasok ko sa katauhan ko,” pagbabahagi niya.
Katunayan, medyo nasorpresa rin daw siya sa feedbacks ng ibang tao.
” One time dumating sa bahay si Janine (Gutierrez) sabi niya:’mukha kang Quezon.’Iyong staff naman namin sa bahay, sabi niya’ para akong matanda.’There were times that I was surprised. There were times that I have to bring him home. I’ m not a method actor but I have no choice because it’s part of my job,”pagtatapos niya.
Ayon pa sa magaling na aktor, never daw niyang naisip na pumasok sa pulitika tulad ni Quezon.
Marami naman ang pumupuri sa propesyonalismo ni Echo dahil nagawa nitong dumalo sa grand presscon ng nabanggit na historical epic kahit naaksidente ang kanyang daliri.
“Nakakalakad pa naman ako. Naipit sa pinto ng sasakyan iyong daliri. Medyo may surgery, pero ok naman ako. Nakakalakad pa naman ako,” deklara niya.
Ang Quezon ay ang huling bahagi ng “Bayaniverse” trilogy na nagsimula sa “Heneral Luna” at sinundan ng “Goyo: Ang Batang Heneral na parehong iprinudyus ng TBA Studios.
Tampok din sa cast sina Benjamin Alves, Mon Confiado, Arron Villaflor, Cris Villanueva, Romnick Sarmenta, Karylle, JC Santos, Jake Macapagal, Bodjie Pascua, Angeli Bayani, Jojit Lorenzo, Joross Gamboa, Therese Malvar, Ana Abad Santos,Ketchup Eusebio, Nico Locco at
lain Glen, ng U.S.fantasy series na “Game of Thrones.”
Ang “Quezon,” na palabas na sa buong bansa simula sa Oktubre 15 ay inaasahang sasagot sa mga tanong na naiwan sa dalawang naunang obra ng master director na si Jerrold Tarog.
“Quezon’ is designed to be a compelling stand-alone cinematic experience for all audiences, whether they’ve seen the previous films or not, even as it concludes the Bayaniverse trilogy,”ani TBA Studios President and COO Daphne O, Chlu-Soon. “We concelved ‘Quezon’ as a big-screen spectacle to be fully appreciated in the theaters. With our world-class production values and an all-star ensemble cast. we believe ‘Quezon’ isn’t just a movie, it’s an event thet demands the big screen,” dugtong niya.