Advertisers

Advertisers

Elisse Joson At Kobe Paras Tinaningan Ng Netizens Ang Relasyon; Actor/Singer/Endorser Harold Montano May Family Owned Resort Sa Tanay, Rizal

0 26

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

Kalokah, itong mga Netizens at lagi silang nakabantay sa controversial cager na si Kobe Paras. Porke’t naging maingay at controversial, ang naging hiwalayan noon nina Kobe at Kapuso actress Kyline Alcantara.

At ang latest ay si Elisse Joson na ex ni Mcoy De Leon ang bagong girlfriend ni Kobe. Umarko ang kilay ng marami nang mag-post si Kobe ng picture nila together ni Elisse na nilagyan nito ng caption na, Natagpuan ko na ang babaeng hinahanap ko(reffering to Elisse). Marami ang nag-comment, sa nasabing post na ito ni Kobe. At agad tinaningan ng netizens ang relasyon nito kay Elisse, na baka more or less ay hindi raw abutin ng one year ang relationship ng dalawa. Well let’s wait and see?

***

Very fabulous ang life ngayon ni Harold Montano na binansagang Snake Man actor noong early 2000. Yes from hard-earned money na kinita sa showbiz mula sa paggawa ng movies, TV guestings, Out-of-town shows at endorsements. At pagta-trabaho abroad ay mayroon ng malawak na Resort ngayon na CABIN IN THE CLOUDS si Harold na located at the Top of the Mountain sa Tanay Rizal. This is a family business owned at si Harold ang namamahala na from his townhouse in Caloocan ay bumibiyahe pa going to Tanay, Rizal para personal na ma-supervise ang resort nila at the same time ay makapag-relax na rin. Kapag nasa resort ka raw ng sexy actor ay parang Tagaytay at Baguio ang atmosphere rito.

Ilan sa amenities ng Cabin In The Clouds, ay nariyan ang 2 big houses na kumpleto sa gamit Gazebo, Pool, Etc.

Tumatanggap sila rito ng Private Party, tulad ng Birthdays, Anniversaries, Wedding, and other events. For inquires? Visit niyo lang ang FB Page ng Cabin In The Clouds.

Samantala, ikinukumpara si Harold kina Piolo Pascual, Gerald Anderson and others na nasa Resort business din.

“So proud of that Tito Peter(tawag sa akin ni Harold). It’s flattering na ma-compare ako sa kanila.

“Well sa sipag at tiyaga ay naipatayo namin ng family ko itong Cabin In The Clouds. And we’re very happy at marami na ang tumatangkilik sa aming Resort. Try nilang i-visit kami and they will enjoy staying here. And we’re offering P20K per night of stay for 10 packs o persons.” Pag-iimbita pa ni Harold na matagal ng pinagkakatiwalaang endorser ng LV ROYAL WHITENING TAWAS, na available in leading Super Market Nationwide and SAVEMORE. Yes puputi raw talaga ang kilikili niyo sa product na ito.

Nakatutuwang alalahanin na from his bagets days in Tandang Sora, QC na meron silang maliit na Bar at Ihawan ng kanyang uncle-manager na si Edwin Guiquin. At mapenetrate nito ang showbiz. Amin ng nasubaybayan ang nag-uumpisa pa lang na career ni Harold. Ngayon ay isa na siyang matagumpay na Resort owner. Ang bongga di ba?