Advertisers

Advertisers

Kristine Hermosa, pinakamagandang mukha sa Philippine showbiz

0 19

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Sa halos lahat ng survey tungkol sa pinakamagagandang mukha sa Philippine showbiz ay hindi nawawala ang pangalan ng aktres at House of D co-host na si Kristine Hermosa; lagi nga siyang number one sa list.

At dahil marami ang nagagandahan kay Kristine at para maiba naman, siya naman ang tinanong namin, kanino sa mga female celebrities dito sa Pilipinas siya nagagandahan?

“Naku it would be unfair naman for the others kasi sa totoo po andami ko na talagang hindi masyadong kilala ngayon,” pagpapakatotoong sinabi ni Kristine.

“Pero andami ring magaganda akong nakikita but I don’t remember their names.

“Pero iyon na nga, fresh na fresh sila, e.”

Si Kristine, thru Shyr Valdez at Rams David ng Artist Circle management, ang nag-cut ng ribbon sa grand opening ng Skinlandia beauty and wellness clinic sa ground floor ng The Viceroy Residences sa Mckinley, Taguig City.

Ang naturang Skinlandia Mckinley branch ay pag-aari ng GMA actress na si Jess Martinez at mommy niyang si Jessieden Ali Martinez na franchise nila mula kay Noreen Divina (Skinlandia owner and CEO).

At forty two na may anim na anak sila ng mister niyang si Oyo Sotto, napakaganda at parang hindi tumatanda si Kristine.

Pero tulad ng ibang babae, umamin si Kristine na minsan ay napapaisip siya ng may halong takot na baka magkaroon na siya wrinkles o kulubot sa mukha.

“Siyempre once in a while.

“Di ba tinitira din tayo ng hormones natin, di ba?

“Totoo naman po iyan, pero iyon na nga, I just try my best kung ano’ng magagawa ko for myself, to be healthy, to eat healthy, to exercise.”

Bukod dito ay sinasabayan rin daw ni Kristine ng panalangin sa Maykapal.

“At iyon na nga, ‘Lord please pagandahin mo pa ako, Lord pabatain mo pa ako,’. Ha! Ha! Ha!”

Tinanong naman namin si Kristine tungkol sa beauty enhancement o pagpaparetoke na ginagawa ng ibang babae.

“Non-surgical po okay lang. Medyo natatakot ako e, baka masobrahan yung pagtusok wala ng bawian, di ba? Iyon lang naman.”

Hindi man siya dumaan sa anumang surgical na proseso ay wala raw siyang anumang against sa mga nagpapagawa ng ganito.

“Pero for other people naman kung okay sa kanila iyon, comfortable sila with that I’m fine with it.”

Samantala, ang House of D Youtube show nina Kristine, Oyo, Dina Bonnevie, Danica Sotto at Marc Pingris ay mapapanood sa link na https://youtu.be/WPWghF310YI?si=NBfbfxEil7Mv8izL