Advertisers

Advertisers

Kakai may hugot sa mga sintunado

0 11

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Sa kanyang Instagram account, naging vocal ang komedyana at singer na si Kakai Bautista hinggil sa masaklap na katotohanan sa industriya ng show business.

Ilang dekada na rin kasing nagtratrabaho ang tinaguriang dental diva at hindi naman siya nawawalan ng proyekto mapa-pelikula, telebisyon o teatro man.

Pero lately, mas feel ng comedienne na mag-concentrate sa kanyang pagkanta.

Sa isang reel, nag-emote siya hinggil sa hindi pantay na oportunidad na nakukuha ng mga artistang tulad niya.

“REAL TALK: napapaisip nalang ako minsan dito sa industriyang ito. Mas malaki ang bayad sa mga sintunado walang professionalism sa trabaho. VERY SAD REALITY,” aniya.

Gayunpaman, kahit masasabing underrated o underpaid, ginagawa pa rin daw naman niya ang kanyang trabaho.

“Sige na lang kase i was trained to DO my 200% all the time and keep showing UP. Death nga lang ang excuse. Ayan ang disiplinang nakuha ko sa mga theater mentors ko. THANK GOD,”hirit niya.

Dahil sa hanash niyang ito, iniisyu ng mga katkatera at sawsawera na nagpapatutsada raw ang aktres sa mga singer na kapos sa talent.

Ito ang ilang reaksyon ng kibitzers sa kanyang emote.

“Sino kayang pinariringggan ni teh?”

“Totoo naman. In this business, kung wala kang koneksyon, hindi ka sisikat.”

“Feeling ko, iyong komedyanteng singer ang pinatututsadahan niya.”

“Sintunado ba kamo. Ang dami naman talagang sintunadong singer sa music industry, lalo na iyong mga baguhan na nabibigyan agad ng break.”

“Hindi kaya na-insecure lang si teh kasi mas malaki ang bayad noong singer na tinutukoy niya.”

“Minsan, natatabunan na lang ang talent ng charm. May talent ka nga, kung wala ka namang charisma, waley din.”

“Naintriga talaga ako sa emote niya. Sana, name names na lang.”

“Comedienne kasi siya kaya hindi siya sineseryosong singer. Hehe.”

“In fairness, ang ganda ng boses niya. Iyon nga lang, parang di niya branding.”