Advertisers
Tuliro na sa dilang tuliro ang mga economic managers/advisers ni Bongbong Marcos Jr. kung paanong bibigyan ng maagap na aksyon at solusyon ang malalang problema sa pagbulusok pababa ng ekonomiya ng bansa kulang dalawang buwan bago sumapit ang Kapaskuhan!
Panabay ito nang lumalakas na panawagan ng mga mamamayan na hindi muna magbayad ng buwis pansamantala hangga’t hindi napaparusahan at napapanagot ang mga masterminds sa trilyong pisong flood control and infrastructure mess na iniimbestigahan sa kasalukuyan ng Independent Commission on Infrastructure (ICI).
Ito ay makaraang muling umapela ang malalaking grupo ng mga negosyante sa bansa kay Ferdinand Marcos Jr, na gumawa ng mabilis na hakbang laban sa nagaganap na kurapsyon sa bansa.
Sa inilabas na resolution ng grupo na binubuo ng Makati Business Club, Philippine Chamber of Commerce and Industry and the Employers’ Confederation of the Philippines, mahalaga umano na tugunan agad ni Marcos Jr ang tinaguriang makakasaysayan at malawakang kurapsyon sa flood control at infrastructure projects.
Ayon pa sa grupo, ang talamak na kurapsyon ay mas higit pa sa pagkalugi ng bansa pero ang pagkasira ng tiwala ng publiko ay magdudulot ng kaguluhan at matinding krisis sa pandaigdigang kalakalan ng Pinas
Nakasaad sa resolution na bigyan ng buong kapangyarihan ang Independent Commission on Infrastructure (ICI) na magsagawa ng imbestigasyon at lumayo sa impluwensya ng sinumang pulitiko.
Ito na ang pinakamaanghang na binitawang pahayag ng sektor ng negosyo patungkol sa nabulgar na pandarambong ng mga opisyal ng gobyerno at mga pulitikong malapit sa pamilya Marcos at sa mga kaalyado at kamag- anak nito sa pondo ng flood control at infra projects.
Palawak nang palawak na rin ang panawagan mula sa iba’t ibang sektor ng pamayanan para sa pagbibitiw ni Marcos Jr.dahil sa pagiging inutil nito sa pagkakaloob ng kalutasan at solusyon sa malalang problema.
“The government is in severe crisis that had to be address the soonest possible time”,dagdag pa ng mga dismayadong negosyante ng bansa.
Una nang naglabas ng matinding frustration si Manuel Pangilinan na sinundan nga ngayon ng Makati Business Club at iba pang prominenteng nangangalakal ng bansa.
Hindi na rin magkandatuto ang mga trouble shooters at propagandista ng Malacanang kung paano ang gagawing “damage control” sa malalang problema na pinagpipiyestahan na ng iba pang mga lider ng bansa dito sa South East Asia,Europe at America.
Sabi nga ng isang kilala at respetadong business tycoon,milagro na lang ang puwedeng sumalba sa liderato ni Bongbong Marcos Jr. dahil nagsanga- sanga na ang malalang problema ng bansa.
Lalong sumisidhi ang panawagan para sa malawakang reporma sa sistemang pinaiiral ng mga tiwaling umuugit sa pamahalaan
Ayon naman sa isang aktibong heneral ng AFP, sa araw- araw ay mas lalo pang lumulubha ang problema na hindi na kanyang bigyang- katwiran sa mamamayan ng military leadership.
Ayon pa sa nasabing opisyal,global na ang nararanasang kahihiyan ng bawat Pilipino dahil binansagan ng most corrupt country in whole Southeast Asia ang Pilipinas
Mas malala pa ngayon ang estado ng bansa kumpara sa krisis na kinaharap ni Marcos Sr. noong 1986 EDSA People Power revolution.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com