Advertisers

Advertisers

PANGULONG BBM, BINANSAGANG “COMMANDER-IN-THIEF”

0 15

Advertisers

Sa halip na Commander-in-Chief ng bansa, tinawag at binansagang Isang Commander-in-Thief si PANGULONG Bong Bong Marcos bunga ng naganap na malawakang corruption ilan linggo na ang lumipas.

Iniuugnay si PANGULONG BBM ng mga raliyista hinggil sa bilyon-bilyong pisong NINAKAW sa kaban ng bayan sa Flood Control Project ng gobyerno.

Ang mga MANDARAMBONG na kinabi-bilangan ng ilan politiko, kawani ng DPWH at mga contructor ay sinasabing may blessing kay BBM.

Hindi daw magkakaroon ng sapat na lakas ng loob ang mga ito kung walang kumpas galing sa Pangulo.

Ang sabwatan ng ilan politiko, mga contructor at kawani ng DPWH partikular na Ang ilan engineer ay matinding kino-kondena ng taum-bayan.

Dinidiin din ng mga raliyista ang pinsan ni BBM na si dating Speaker of the House Cong. Martin Romualdez na isa sa mga leading man sa nasabing nakawan.

Sigurado daw na sinangguni muna ito ni Romualdez kay BBM bilang Pangulo at Isang malapit na kamag-anak bago ito kumilos.

Maliban sa ilang Kongresista na hawak ni Romualdez, dawit din sa nasabing nakawan ang ilan Senador at LGU.

Ang perang pinagpartihan ng mga ito na aabot umano sa TRILYONG PISO ay pwede na daw annual budget ng Isang departamento o’ di kaya’y dalawang taong suweldo na ng lahat ng government employee sa buong bansa.

Ilan taon na ring ini-lunsad ng pamahalaan ang Flood Control Project na ito ngunit walang nangyayari dahil sa tuloy-tuloy pa rin ang pagbaha sa malaking bahagi ng bansa.

Ito pala ang sanhi ng PATULOY na pag-baha… dahil ang pondong nakalaan dito ay binulsa lang ng ilan personalidad para sa sarili nilang interes.

Sa kabila nito, di alintala ng mga ito ang pagdurusa at sakripisyo ng kanilang mga kababayan na nakababad sa baha ang mga paa buong araw at gabi, giniginaw, nilalagnat at iniinda ang anumang karamdaman na dadating.

Ang kakapal ng mukha at tila wala na itong mga budhi at konsensiyang natitira, mantakin mong ilan mga Lugar sa ating bansa ay bumabaha ng hanggang leeg lalo na sa dating ng sunod-sunod na bagyo na ang huli ay si Ramil.

Sa ganitong situwasyon, hindi natin mai-aalis ang masidhing galit ng kapuwa nating Pilipino na wala namang ibang sinisigaw kundi ang mabilis na PROSESO at panagutin ang lahat ng MGA taong nasa likod ng malawakang corruption.

Masyado daw matagal ang hustisya na tila pina-tutupad lang sa ilan na ang naging halimbawa ay ang MADUNGIS na LALAKING nag-nakaw ng mangga na kinulong HORA-MISMO.

Eh papaano naman ang mga nakasuot ng barong na nag-nakaw ng bilyon sa kaban ng bayan, ganon na lang ba?

Walang kamatayang tanungan at imbestigasyon na tila wala namang patutunguan..he he… he…

Ano ba daw talaga si BBM, Commander-in-Chief or Commander-in-Thief. Isang sampol nga diyan mahal na Pangulo!!!