Advertisers

Advertisers

HOUSE BILL NO. 8059 NI CONG. PANALIGAN MALINAW AT PANAHON NA PARA SERYOSOHIN ANG PAMBANSANG DEPENSA

0 7

Advertisers

ISINUSULONG ni Oriental Mindoro 1st District Representative Arnan C. Panaligan ang House Bill No. 8059, na naglalayong pabilisin ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kakayahan ng gobyerno na kumuha ng mga pautang mula sa ibang bansa.

Layunin ng panukalang batas na solusyunan ang kakulangan sa pondo na nagpapabagal sa matagal nang AFP Modernization Program.

Ang naturang batas ay nagbigay kapangyarihan sa Pangulo ng Pilipinas na kumuha ng long-term foreign loans.

Aamyendahan nito ang Presidential Decree No. 425 (enacted in 1974), na kasalukuyang naglilimita lamang sa US$300 million ang foreign loan financing para sa depensa.

Sa ilalim ng batas, ay ilalapat sa bawat solong defense acquisition project.

Ibig sabihin, maaaring kumuha ang Pangulo ng hiwalay na loan para sa magkakaibang proyekto ng modernisasyon
Ang hakbang na ito ay tugon sa pangangailangan ng bansa na palakasin ang pambansang depensa, lalo na ang kakayahan ng Philippine Navy at Philippine Air Force sa ilalim ng Horizon 3 ng AFP Modernization.

Sa panahong ang soberanya ng Pilipinas ay hayagang hinahamon at ang seguridad ng rehiyon ay nagiging mas hindi tiyak, hindi sapat ang pananatili sa lumang polisiya at limitasyon.

Ang itinutulak na House Bill No. 8059 ni Congressman Panaligan ay malinaw na hakbang at napapanahon upang seryosohin ang pambansang depensa at tiyakin ang proteksyon ng mamamayan at likas na yaman.

May mga nagsasabing ito ay simpleng pagtaas lamang ng loan ceiling—isang utang na magpapabigat umano sa bayan. Ngunit ito ay mababaw na pananaw.

Ang panukalang batas na ito ay hindi basta pag-utang. Ito ay isang estratehikong pamumuhunan para sa seguridad, katatagan, at kinabukasan ng bansa.

Ang makabagong depensa ay mahal, at ang lumang limitasyon na US$300 milyon ay hindi na sapat para sa mga modernong kagamitan tulad ng fighter jets, radar systems, naval vessels, at missile defense.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09368625001/09397177977 o di kaya mag email balyador69@gmail.com