Advertisers

Advertisers

Cayetano, Marcoleta iimbestigahan kuno ang flood control scam

0 8

Advertisers

INANUNSYO nina Senate President Alan Peter Cayetano at kaalyado niyang “DDS” na si Sen. Rodante Marcoleta na muli nilang bubuksan ang imbestigasyon sa multi-billion peso flood control anomaly.
Anong imbestigasyon naman kaya ang gagawin dito nina Cayetano at Marcoleta? Eh ang mga sangkot sa multi-billion scam na ito ay ang mga kasamahan nilang DDS senators na sina Jinggoy Estrada, Joel Villanueva at Chiz Escudero at ex-Sen. Bong Revilla.
Batid natin na kinasuhan na ng Ombudsman ng Plunder sa Sandiganbayan sina Revilla at Estrada.
Nakakasa narin ang pagkaso ng Plunder kinaVillanueva at Escudero.
Nakakulong na nga si Revilla.
Si Estrada naman ay naisyuhan na ng arrest warrant sa kasong Graft, at posible ay ma-warrant narin sa Plunder anumang araw mula ngayon.
Nagpiyansa si Estrada sa Graft. Pero sa Plunder, malamang hindi. Peks man!
Ang mga kaso ng apat na senador na ito ay tungkol sa pagkuha ng mula 20% hanggang 30% na kickback sa mga ibinaba nilang flood control project sa Bulacan, na nabuking na ghost o walang ginawa as in. Mismo ang dating undersecretary at dating engineers ng public works ang nagbunyag na sila mismo ang nag-deliber ng kickback sa mga nabanggit na senador.
Masusing imbestigasyon ang ginawa ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Justice (DoJ) at sinadya mismo ni Pangulong Bongbong Marcos ang ilang lugar sa Bulacan na pinondohan ng bilyones para sa flood control at natuklasang walang naitayo.
Nagawa naring simulan noon nina Marcoleta, noo’y chairman ng Blue Ribbon Committee, ang imbestigasyon sa flood control scandal pero hindi niya natapos nang magpalit ng liderato ang senado, at ang pumalit na chairman ng Blue Ribbon ay si Panfilo Lacson.
Hindi naman na-finalise ni Lacson ang imbestigasyon sa flood control dahil ilang miembro ng panel ang ayaw pumirma. Kasi nga sangkot ang mga ito sa anomalya. Hehehe…
Ngayon, anong imbestigasyon kaya ang gagawin rito nina Cayetano at Marcoleta? Ang ipagtanggol ang kaibigang niyang mag-asawang kontraktor na Discaya, na kapwa nakakulong na dahil sa ghost flood control projects?
At paano iimbestigahan nina Cayetano at Marcoleta sina Estrada, Villanueva at Escudero na mga katropa nila?
Wala ito! Panggulo lang ang gagawing ito ng dalawa para maantala, mailihis ang isyu sa nakatakdang Impeachment Trial laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.
***
Malakas ang ugong na mapapalitan uli ang liderato ni Cayetano. Ilang kasama nilang senador daw ang dismayado sa mga ginagawa ni Alan. Oo nga! Subaybayan!