Advertisers

Advertisers

Pulis sabog ang nguso sa 3 sinitang pasaway

0 2

Advertisers

DUMUGO ang nguso ng isang pulis nang suntukin sa mukha ng isa sa tatlong lalaking sinita nito habang sinisira ang isang bakod sa Quezon City, Biyernes ng madaling-araw.
Ayon sa ulat, nakita ng isang pulis mula sa Eastwood Police Station (PS-12) ang mga lalaki na aktong naninira ng bakod sa kahabaan ng Eulogio Rodriguez Avenue, Barangay Libis, kaya agad niyang inutusan ang mga ito na huminto matapos magpa-kilalang isang pulis.
Sa halip na tumigil, sinuntok sa mukha ng isa sa mga inarestong lalaki ang pulis, dahilan upang dumugo ang nguso ng huli.
Agad nagsagawa ng follow-up at hot pursuit operations ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), District Intelligence Division (DID), at PS-12 na ikinaaresto ng isa sa mga lalaki, habang ang dalawang kasabwat nito ay boluntaryong sumuko sa tulong ng mga opisyal ng barangay.
Kasong ‘Direct Assault with Physical Injury’ at paglabag sa Quezon City Ordinance No. SP-2342, S-2014 (Quezon City Anti-Vandalism Ordinance) ang isinampa laban sa grupo sa Quezon City Prosecutor’s Office.