Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Nag-trending ang pictorial nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez para sa isang forthcoming serye.
Hindi naman napigilang mag-react ng mga nagmamarisol sa sweetness nila sa isa’t-isa sa nasabing pictorial.
May mga kinilig na kafaneyan at isini-ship si Claudine sa ex lalo pa’t pareho silang single.
May netizens ding binuhay ang kanilang romansa at nagsabing may spark pa ang dalawa.
Pero may ilang nagmamaldita namang inokray si Mark at sinabing mukha itong ito ni Clau.
May mga pa-savage ring binalaan ang aktres kay Mark.
Ito ang ilan sa kanilang mga random na komento.
“Bakit mukha silang magtito.”
“Ang laki nang itinanda ni Mark pero si Clau, fresh pa rin.”
“Mukhang kayo pa magiging end game.haha”
“Muling ibalik ang tamis ng pagibig”
“May spark padin sila”
“Malaki ipinagbago ni Mark Anthony, tumanda na siya”
“#Firstloveneverdies #romanticdiaries #positivelove #MARKDINE”
“Bagay sila onscreen pero in real life sana wag na… Deserve ni Clau ang katahimikan ng puso at isip…”
“Omg my 90s heart! First yr high school ako nun hahaha. Sana endgame kayo”
“Wow na wow naman bagay na bagay pa rin sila”
“Bagay cla”
“Bakit ako kinikilig”
“Nakkakilig!!!”
“Lakas ng dating tlga grabe”
“Naku wag ka sana bumigay uli kay Mark, kawawa ka claudine”
“Ayyy together again ayiiiiiee”
“No caption needed!!! I love it”
“Baka sila pa mag end up together in real life”
“Omg! Kinikilig ako ulit sa dalawang to”
Sina Claudine at Mark ay nagkasama sa pelikulang “Mangarap Ka”
****
MTRCB at Walt Disney Company Southeast Asia, nagpulong para pag-usapan ang posibleng pagtutulungan sa pagsusulong ng Responsableng Panonood
Nakipagpulong ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at mga kinatawan ng The Walt Disney Company Southeast Asia noong Lunes, Oktubre 13, upang pag-usapan ang posibleng pagtutulungan sa pagsusulong ng responsableng panonood sa mga streaming services para sa mga pamilyang Pilipino.
Dumalo sa pulong sina MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto, Executive Director II Roberto Diciembre, at mga Board Member na sina Maria Carmen Musngi at Katrina Ebarle. Mula naman sa The Walt Disney Company Southeast Asia sina Vineet Puri, General Manager ng Southeast Asia; Shruti Mehta, Assistant Chief Counsel at Head of DTC; Karan Paul; at Jennifer Arceo, Senior Manager ng Integrated Marketing Philippines.
Ipinresenta ng The Walt Disney Company ang Disney+ content rating system at mga parental control feature nito, kabilang ang Junior Mode, na layuning tulungan ang mga magulang sa paggabay at pamamahala ng mga palabas na maaaring mapanood ng kanilang mga anak.
Malugod namang tinanggap ni Sotto ang mga inisyatibong ito ng The Walt Disney Company, at binigyang-diin na ang mga ito ay konektado sa kampanya ng MTRCB na “Responsableng Panonood” at ng mga prinsipyo ng PROTECT—mga paalala para sa mga magulang at para magabayan ang mga bata sa matalino at responsableng paggamit ng media.
“Masaya kaming makita na ang mga streaming platform tulad ng Disney+ ay aktibong nakikibahagi sa pagsusulong ng responsableng panonood sa pamilyang Pilipino,” sabi ni Sotto.
Nagsilbi ring pagkakataon ang pulong para sa posibleng pagtutulungan sa pagbuo ng mga programa para sa pamilyang Pilipino habang pinagtibay ang kultura ng ligtas at responsableng paggamit ng media.
“Ang mga ganitong makabuluhang pagpupulong ay nagpapatibay sa ating layunin na lumikha ng isang mas ligtas na media para sa pamilyang Pilipino, lalo na sa mga bata,” dagdag pa ni Sotto.
Sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng MTRCB, muling pinagtitibay ng ahensya ang pangako nitong protektahan ang mga manonood habang isinusulong ang isang responsable at inklusibong industriya ng paglikha sa makabagong panahon.