Advertisers
Pinangunahan nina Department Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman at Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang pagsasagawa ng field inspection sa paligid ng Arch ng Globe De Oro St. patungong Quiapo Mosque upang pag-usapan at ilatag ang panukalang Halal Town sa Quiapo.
Kasabay nito ay tumikim ng mga pagkain na inihahain sa mga kapatid ng Muslim sa nasabing lugar, kabilang sa mga dumalo ay sina Bise Alkalde Chi Atienza at Cristal Bagatsing, Head ng Department of Tourism Culture and Arts of Manila.





