Advertisers

Advertisers

CORRUPT OFFICIALS: DUTERTE O MARCOS CAMP PANAGUTIN!

0 23

Advertisers

Hindi masisisi ang mamamayan kung ang pananaw nila ay sindikatuhang sistema ang namamayani sa ating gobyerno mula pa sa DUTERTE ADMINISTRATION na lantarang dinedepensahan ang HIGH GOVERNMENT OFFICIALS na NASASANGKOT sa mga KATIWALIAN at maging sa kasalukuyang MARCOS ADMINISTRATION ay tila may mga pinagtatakpan pa ring GOVERNMENT OFFICIALS sa isyu ng FLOOD CONTROL PROJECT CORRUPTIONS dahil sa kamag-anak ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR?

Kaya naman, maging RELIGIOUS GROUPS tulad ng IGLESIA NI CRISTO (INC) ay hindi na mapigilan ang pagpapahayag ng kanilang sintemiyento na sa darating na November 16-18 ay maglulunsad ang mga ito ng RALLY FOR TRANSPARENCY AND A BETTER DEMOCRACY para sawatain ang mga KATIWALIAN at KURAPSIYON sa mga ELECTED at APPOINTED GOVERNMENT OFFICIALS sa ating bansa dahil sa tinding dinadanas na paghihirap ng ating pangkaraniwang mamamayan.., na kailangang panagutin ang lahat na mga nasasangkot.

WALANG KINIKILINGAN, WALANG PINOPROTEKTAHAN.., ito ang dapat mamayani para sa patas na pagsisiyasat sa sinumang GOVERNMENT OFFICIALS na inaakusahan.., pero hindi ito nakikita ng mamamayan tulad sa DUTERTE ADMINISTRATION na ang kaniyang mga tropang inaakusahan sa PHARMALLY CONTROVERSY at sa inaakusahang DRUG LORD na kaibigan ni FORMER PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE ay mismong ito pa ang lantarang nagprotekta sa pagsasabing walang kurapsiyon at walang katotohanan ang AKUSASYON.., sa halip na ipaubaya niya dapat sa mga imbestigasyon at pagpapasiya ng hukuman ay pinagbantaan pa ang nag-aakusa tulad sa sinapit ni FORMER PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA) COL. EDUARDO ACIERTO na ito pa ang naging WANTED sa DUTERTE ADMINISTRATION.

Tulad din ngayong MARCOS ADMINISTRATION.., sa naging pagdinig ng CONGRESS at SENATE ay may mga DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS (DPWH) OFFICIALS ang nagdetalye sa kanilang paghahatid ng MALEMALETANG naglalaman ng BULTO-BULTONG PERA na komisyon daw nina EX-AKO BICOL PARTYLIST REPRESENTATIVE ZALDY CO at kay EX-HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ ay tila tahimik o pinatatahimik ang isyu rito kay ROMUALDEZ para hindi madiin sa kaso na kahit si PRESIDENT BONGBONG MARCOS JR ay tahimik sa kinasasangkutan ni ROMUALDEZ.., na maaari namang ihayag ni PBBM na WALA ITONG KIKILINGAN KAHIT KAMAG-ANAK PA NIYA ANG NASASANGKOT AY HINDI NIYA KUKUNSINTIHIN AT SA KORTE NILA IDEPENSA ANG MGA AKUSASYON para maibsan at maalis man lamang ang pagdududa ng mamamayan.

TRANSPARENCY ang panawagan ng sambayanan sa ginagawang imbestigasyon sa iba’t ibang KATIWALIAN at KURAPSIYON na lubhang pinagpasasaan ng GREEDY GOVERNMENT OFFICIALS ang GOVERNMENT FUNDS mula pa sa DUTERTE ADMINISTRATION hanggang ngayong MARCOS ADMINISTRATION na dapat lang panagutin ang lahat ng mga nasasangkot na may mga matitibay na ebidensiya.., at huwag ipairal ang SISTEMANG SINDIKATUHAN sa ating gobyerno.

Tulad na lamang sa isinusulong ni NAVOTAS REPRESENTATIVE TOBY TIANGCO sa CONGRESS na isapubliko kung magkano ang alokasyon ng bawat CONGRESSMEN sa
DPWH FUNDS para sa 2026 national budget.., subalit tila hindi sang-ayon ang kaniyang mga kasamahan sa pagpapakita ng TRANSPARENCY na dapat ay naka-post na sa website ng CONGRESS ang listahan ng mga proyekto at halaga kada distrito mula pa noong Oktubre 13, araw na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang 2026 GENERAL APPROPRIATIONS BILL (GAB).

Alam lahat ng LAWMAKERS na bawal o ipinagbabawal sa Section 95c OMNNIBUS ELECTION CODE ang sinumang government contractor, service man o public works na magbigay ng donasyon para sa mga layuning pampulitika sa sinumang kandidato sa panahon ng halalan.., pero halos lahat ng kumakandidato ay tumatanggap ng donasyon kahit pa sa mga GAMBLING LORD, DRUG LORDS o CONTRACTORS kaya ‘pag nanalo ang kandidato ay tuloy ang mga ILLEGAL OPERATIONS at mga SUB-STANDARD PROJECTS bilang bayad utang-na-loob ng mga nanalong kandidato.

Dapat ilantad ng COMMISSION ON ELECTIONS (COMELEC) sa pamamagitan ni CHAIRMAN GEORGE GARCIA ang lahat ng POLITICIANS na lumabag sa OMNIBUS ELECTION CODE SECTION 95c para sa ikinakampanyang TRANSPARENCY at panagutin ang mga ito dahil ang nakasaad na parusa ay ang pagkakulong mula 1-6 taon.

Isa pang BUDOL SYSTEM o pang-uuto sa mamamayan ay ang STATEMENT OF ASSETS AND LIABILITIES (SALN) ng POLITICIANS na ang kanilang isinusumiteng kopya ay kadudaduda sa reyalidad ng kanilang LIFE STYLE na matagal nang ginagawa ng ilang maiimpluwensiyang POLITICIANS ang panggogoyo sa sambayanan.

TAMA NA SOBRA NA ANG PANANAMANTALA SA PONDO NG BAYAN.., kailangang panagutin kesehodang DUTERTE o MARCOS CAMP ay walang dapat sisinuhin dahil ang panawagan ng INC gayundin halos nang buong sambayanan ay PANAGUTIN LAHAT NG MAY SALA at hindi ang pabagsakin ang liderato ng kasalukuyang administrasyon.., dahil ang INC ay tutol sa nilalayon ng ibang grupo na patalsikin sa puwesto si PRESIDENT BONGBONG MARCOS JR o pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon at sa halip ay PUKSAIN at PANAGUTIN ang lahat ng mga TIWALI at KURAP sa hanay ng ELECTED at APPOINTED GOVERNMENT OFFICIALS para sa BETTER GOVERNANCE!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.