Advertisers

Advertisers

LUMUSOT MAN SA BATAS NG TAO ANG MGA MANDARAMBONG, SIGURADONG HINDI SILA LULUSOT SA BATAS NG DIYOS

0 14

Advertisers

Sa tagal ng mga kaganapan partikular na sa mga imbestigasyon at paglilitis ng kung anu-ano at kung sino-sinong committee, wala pa rin linaw o’ napapatunayang mga taong sangkot sa bilyong pisong NINAKAW sa Flood Control Project ng gobyerno.

Pinapalagay ng marami na ang mga imbestigasyong ito ay parang umiikot lang sa puno ng kamatis na wala ring patutunguan dahil ito anila ay scripted at pinag-aralan na.

Malaki rin daw ang posibilidad na ang isyung ito ay mata-bunan na lang na parang bulang naglaho sa tubig, BAKIT KAMO?

Malaking pera daw kasi ang pinag-uusapan dito na nai-bahagi na sa mga kinauukulan na pawang mga taong may sinabi sa lipunan at siguradong ibang klase ang padrino NG MGA taong nasa likod nito.

Maaaring magkakamag-anak, kaalyado at malamang na malapit sa isa’t isa hanggang sa huli.

Sa puntong ito ay hindi na nila kayang iligaw o’ bulagin pa ang taumbayan dahil obvious naman daw ang ginagawang cover-up at drama hinggil sa mga isyung kinakaharap ng mga taong nasa likod nito.

Napakaraming investigative body at committee ang naka-tutok dito ngunit wala pa ring mapatunayan sa kung sinong talaga ang mga tao ang involve dito.

Maaaring nakadikta na ang phasing at buod ng pelikula hanggang sa The End dahil ito ay scripted na at sila-sila na rin ang nakakaalam nito.

Ok nga’t kayang-kaya nilang manipulahin at dayain ang magiging resulta sa mga imbestigasyon ngunit hindi mawa-wala sa mga diwa’t konsensiya nila ang kanilang kawalanghiyaang ginawa sa taumbayan.

Pwede nilang lusutan ang BATAS NG TAO ngunit kailanmay hindi nila pwedeng takasan ang BATAS NG DIYOS na kasalukuyan ay tinutuligsa na silang lahat.

Ang PATULOY na pag-ulan, bagyo, at lindol sa bansa ay pahiwatig lang na sila ay tinatapik na sila ng poong MAYKAPAL.

Mantakin niyong sa halip na maramdaman na natin ang diwa ng PASKO ay ang malakas na pagbayo ng bagyo pa rin ang ating nadarama tsk… tsk… tsk…

Iyan ang hindi pwedeng takasan NG MGA MANDARAMBONG ng ating bansa na dahil sa kanilang kasakiman sa pera ay libu-libong kababayan natin ang namatay dahil sa mga kalamidad na talagang dulot nila.

Ang salaping nakalaan dito para sa Flood Control Project ng gobyerno upang mapigilan man lang kahit konti ang pagbaha ay binulsa lang para sa sariling interes na hindi inalintala ang kapakanan ng bansa. Tao kaya ang mga ito?

Napakabigat yatang kaparusahan na konsiyensiyahin ka habang buhay dahil sa bilyon-bilyong piso mong NINAKAW sa taum-bayan na Ngayon ay nagdurusa dahil sa patuloy na pag-baha.

Sa mga MANDARAMBONG ng bayan, sa inyo lang siguro matutupad ang sinasabing FOREVER sa inyong buhay dahil ang dadamahin niyong DEPRESSION at ANXIETY ay mananatiling nasa inyo maging hanggang sa kabilang buhay, sa inyo lang applicable iyon pero talagang walang forever sa buhay he… he… he…