Advertisers

Advertisers

Romualdez, posibleng makasuhan sa flood control anomaly — PBBM

0 48

Advertisers

NILINAW ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala pang konkretong ebidensiya na nagtuturo kay dating House Speaker Martin Romualdez na sangkot sa flood control anomaly.

Ayon sa Pangulo, may 37 mambabatas na isasailalim sa kasong kriminal at administratibo, ngunit hindi kasama si Romualdez sa listahan.

Gayunman, tiniyak niyang mananagot ang sinuman, kabilang ang kaniyang pinsan, sakaling lumabas ang pangalan nito sa imbestigasyon.



Binigyang-diin din ng Pangulo na hindi sila basta-basta nagsasampa ng kaso, kundi maingat na nagbubuo ng mga ebidensiya laban sa mga sangkot.

Hinimok niya ang publiko na magbigay ng konkretong impormasyon upang mapanagot ang sinumang mapatunayang nagkasala.



Giit ng Pangulo, “walang immune at walang exempted” sa imbestigasyong isinasagawa ng pamahalaan. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">