Advertisers

Advertisers

LIVE CONCERT NI ROZZ DANIELS HUHUSGAHAN NA SA NOV. 25

0 22

Advertisers

Ni Beth Gelena

Sa November 25 na ang live concert ni Rozz Daniels na gaganapin sa Viva Cafe. Titled A Night with Rozz Daniels, mula 8-11 p.m.

Ang nasabing concert ay tribute na rin singer sa kanyang kaibigan at former handler na si Blessie Cirera na pumanaw last October 7 habang sila ay nag-aayos sa nalalapit niyang konsiyerto.

Sa nasabing concert ay bale pagpo-promote na rin ni Rozz ng kanyang Christmas Song na My Love One on Christmas Day na sinulat ng legendary composer sa music industry na si Doc Mon del Rosario.

Ang nasabing Christmas song ay out na rin sa Market at maririnig din sa Spotify at sa iba pang social media ni Rozz.

***

ERIC AT ARNELLI PINAG-AWAYAN ANG ISANG LALAKI

Isa si Eric Quizon na bida sa Jackstone 5, isang comedy film na dinirehe ni Joel Lamangan.

Sa isang panayam, nasabi ni Eric na dissolve na ang Talent Center ng NET25 kung saan siya ang namumuno.

Aniya, “Nakakalungkot pero that’s life. The management decided to cut cost and focus on other things,” aniya.

Dagdag pa niya, medyo na-sepanx din daw siya sa mga batang igrinoom niya noon for stardom.

“Just like I said before, para akong nanganay. Malaking hirap din kasi at pagod ang pinuhunan mo sa pagbu-build ng talents.. Tulad ng sinabi ko, para ko na silang mga anak na iniluwal,” bulalas niya.

Marami raw siyang nakitaan na may mga potensiyal kaya inaasahan niyang ipagpapatuloy ng kanyang mga natulungan ang kanilang adhikain na makapasok sa larangan ng industriya.

” Iyong iba stayed sa NET25, iyong iba naman lumipat ng network. Siyempre, in-endorse ko rin iyong iba dahil nasasayangan ako sa kanilang potensyal. May mga nasa Regal na at iyong iba nasa ibang network,” bulalas niya.

Speaking of Eric, balik-pelikula ang magaling na actor-director dahil isa siya sa mga bida ng riot comedy na Jackstone 5.

“More than just a fun movie, may puso siya. Ito iyong klase ng pelikulang kailangan natin para ma-entertain tayo at kahit paano ay mapagaan iyong mga dinaranas natin sa bansa ngayon. It also talks about essence of friendship,” wika pa niya.

Ayon kay Eric ang isa sa highlight ng movie ay ang laging pa-aaway nila sa iisang lalaki.

Simula pa lang daw sa eksena ay kanila nang pinag-aagawan ang guwapong aktor na si Abed Green, hanggang sa matapos ang movie.

Kamukatmukat ay isa man sa kanila ay hindi nagwin dahil ang aktor (Joel) ay napunta sa direktor na kasama rin sa movie.

Given a chance, gusto rin daw niyang i-remake ang iconic na pelikulang “Ang Tatay Kong Nanay” na pinagbidahan ng kanyang amang si Dolphy.

Maliban kay Eric, mga bida rin sa Jackstone 5 sina Arnell Ignacio, Gardo Verzosa, Jim Pebanco at Joel Lamangan na siya ring direktor ng pelikula.

Nasa cast din ng pelikula sina Abed Green, Marcus Madrigal, Elora Españo, Rico Barrera, Prince Clemente, Angela Cortez, at Jhon Mark Marcia.

Palabas na ang komedyang may puso sa mga piling sinehan simula sa Disyembre 3.

Ito ay iprinudyus ng Apex Productions with Dennis Evangelista as line producer.

***

ANDREA FIRST EVER PINAY ENDORSER NG GUESS

Si Andrea Brillantes ang first ever Pinay endorser nang foreign garments na Guess

Sadyang swerte ang aktres dahil sunud sunod ang magagandang projects niya ngayong holiday season.

Masaya siyang “third wheeling” ngayong holiday at nag-eenjoy sa pagiging single

Ani ng petite actress, kuntento na siya kahit na pabirong sinabi niya ang tungkol sa pagiging “gulong” nangyayari sa kanyang pamilya.

Ipinakilala ang aktres bilang unang Filipino global ambassador ng Guess sa pagbubukas ng flagship store ng brand sa Pasay City. Ibinahagi niya na hindi niya inuuna ang mga relasyon sa ngayon at nakatuon siya sa sarili niyang kaligayahan. Inihayag ni Andrea na gusto niya ng future partner na may tiwala at matapang na habulin siya nang walang pananakot.

Sasalubongin niya ang Kapaskuhan na magaan ang puso at walang pressure pagdating sa pag-ibig.

Wala siyang pakialam sa “third wheeling” sa mga kaibigan at mahal sa buhay, dahil lubos siyang masaya sa pagiging single ngayon.

“Hindi ko priority ngayon,” aniya sa pagbubukas ng bagong flagship store ng Guess sa Pasay City noong Miyerkules.

Ang kaganapan ay nagsilbi rin bilang kanyang opisyal na pagpapakilala bilang kauna-unahang Filipino global ambassador ng brand—isang tagumpay na nagdagdag ng excitement sa kanyang pagiging busy bago magtapos ang taon.

Masayang inamin ni Andrea na nakasanayan na niyang maging kakaiba sa mga pagtitipon ng pamilya, ngunit hindi ito nakakaabala sa kanya.

“Sa family, wheel na lang ako. [No partner] but it is OK, I am happy. Masaya ako,” pagbabahagi ng aktres.

Nang tanungin tungkol sa kanyang gustong makapareha sa hinaharap, sinabi ni Andrea na gusto niya ng isang taong malakas ang loob at secure sa kanyang sarili.

“Kung na-intimidate sila… that’s not my fault. Kung gusto talaga ako, tapangan nila. Kung hindi, at least ma-short list ko,” esplika niya.

“Tapang tapang ko, dapat mas malakas sa akin.”

Ang tapat niyang pahayag ay nagpapakita ng kumpiyansa sa sarili.

Sa ngayon, nakatutok ang aktres sa kanyang trabaho, sa kanyang mga endorsement, at sa pag-e-enjoy sa personal na buhay nang walang dagdag na pressure.

Habang papalapit ang holidays, tila nakatakdang magdiwang si Andrea nang may pasasalamat dahil napatunayan niya sa sarili na ang pagiging single ay maaaring maging kasing saya ng pagiging partner.