Advertisers
Inakusahan ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co si House Majority Leader Rep. Sandro Marcos na nagkaroon umano ng nasa P50 billion budget insertions mula 2023 hanggang 2025.
Ayon kay Co, nasa P9.636 billion ang insertions ng Kongresista noong 2023, nasa P20.174 billion naman noong 2024, at P21.127 billion sa budget ngayong 2025.
“Bawat taon, sa tuwing dumarating ang bicam budget process, lagi pong may utos si Cong. Sandro na ipasok ang mga proyekto niya,” saad ni Co.
Samantala mariing itinanggi ni House Majority Floor Leader Rep. Sandro Marcos ang paratang ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na may umano’y bilyon-bilyong pisong budget insertions na nakaangkla sa kanya.
Ayon kay Marcos, puro paninira lamang ang ibinabato ni Co upang siraan ang kasalukuyang administrasyon at takasan ang mga kasong kinahaharap nito.
“Anyone can sit in front of a camera from abroad and spew lies. The statements from the newly crowned champion of the DDS cabal, former Congressman Zaldy Co, are frankly as fantastical as they are false,” giit ni Rep. Marco.
***
Anumang reaksyon o suhestiyon i-text sa 0936-862501/0939-7177977 o di kaya mag email: balyador69@gmail.com