Advertisers
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay BSP Governor Eli Remolona sa Malacañang upang talakayin ang October 2025 monetary policy decision at ang economic outlook ng bansa.
Ipinresenta naman ng BSP official kay PBBM na bumaba sa 1.7% ang inflation, at 0.4% para sa bottom 30% ng mga kabahayan, dahilan kaya ibinaba ng Monetary Board ang policy rate sa 4.75% upang mas mapalawak ang access sa abot-kayang pautang.
Ipinaliwanag ni Remolona na ang pagputol sa policy rate ay layong pasiglahin ang demand, kasabay ng positibong inflation outlook.
Sa pagtaya ng BSP, papalo sa 3.1% ang inflation sa susunod na taon, at 2.8% pagsapit ng 2027.
Bagama’t mahina ang paglago ngayong 2025, inaasahan ng BSP na makababangon ang ekonomiya sa 2026 at babalik sa target range pagdating ng 2027. (Gilbert Perdez)