Advertisers
INIIMBESTIGAHAN na ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP) ang 8 miyembro ng Navotas Police Station matapos ang pag-torture umano sa dalawang lalaki na pinaaamin sa pagpatay sa da-lawang indibidwal noong Nob-yembre 3 sa Barangay Bangkulas, Navotas City.
Sinabi ni PNP Spokesperson, Brig. General Randulf Tuaño na ang mga akusadong pulis ay may mga ranggong 4 staff sergeant, 1 master sergeant, 2 patrolman at 1 kernel.
Ayon kay Tuaño, ang mga nasabing 8 akusado ay sinampahan ng 2 nagrereklamo ng mga kasong grave misconduct, serious irregularities in the performance of duties at 2 iba pa noong Nobyembre 20.
Sa ngayon, nakikipag-usap na ang IAS sa 8 pulis at sa abogado ng 2 biktima at inaasahan na gagawan agad ng ak-syon ng PNP kung ano ang kakalabasan ng imbestigasyon.
Kaugnay nito, ayon sa abogado ng 2 nagrereklamo, pansamantalang nakalabas sa kulungan ang isang biktima habang ang isa ay nasa piitan.(Beth Samson)