Advertisers

Advertisers

3RD FIRE AND RESCUE EXERCISE 2025 SA LAS PIÑAS CITY

0 97

Advertisers

NAGING matagumpay ang ginanap na 3rd Fire and Rescue Exercises (FIREX) 2025 sa lungsod ng Las Piñas na dinaluhan ng Las Piñas Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), at Barangay DRRM teams upang higit na pagtibayin ang kahandaan at koordinasyon ng mga frontliners sa kaligtasan ng komunidad.



Sa pamamagitan ng simulation ng fire rescue, sinubok ang bilis, taktika, at tamang koordinasyon ng mga kaisang ahensya sa pagresponde sa panahon ng emergencies. Layunin ng aktibidad na mas mapahusay ang kanilang kakayahan sa pagligtas ng buhay at pagprotekta sa mga pasilidad at residente sa oras ng sunog.

Dumalo sina FCINSP Demetrio Sablan Jr., Chief Operation of Fire District 1; FSUPT Gerard Venezuela at FINSP Alex Alabastro bilang evaluators mula sa RHQ; kasama rin si FSINSP Peter Segunto, Chief Operation ng Fire District V; at iba pang Chief Operations na nagsilbing evaluators mula sa iba’t ibang lungsod tulad ng Taguig, Malabon, San Juan, at Muntinlupa.



Napakahalaga ng ganitong mga pagsasanay dahil nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga responders na mahasa ang kanilang skills, pagbutihin ang communication, at palakasin ang teamwork sa high-pressure situations.

Ang FIREX 2025 ay isa pang hakbang sa patuloy na pagbuo ng culture of preparedness sa Las Piñas kung saan ang kaligtasan ng bawat residente ay pangunahing prayoridad. (JOJO SADIWA)