Advertisers

Advertisers

BILYON-BILYONG PESO NA BUDGET CUTS INUTOS UMANO NI ESCUDERO NOONG 2025 BICAM AYON KAY ZALDY CO

0 49

Advertisers

ISINIWALAT ni dating Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy “Zaldy” Co ang umano’y serye ng budget cuts na ipinag-utos umano ni noo’y Senate President Chiz Escudero sa kasagsagan ng bicameral conference committee para sa 2025 national budget.

Sa liham ni Co noong February 2025 kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., idinetalye ni Co na nasa 109.592 billion pesos umano ang budget cuts na nakaapekto sa “essential services” gaya ng classrooms, rice production at public health.

Ipinilit aniya ni Escudero ang pag-redirect ng pondo sa kanyang “preferred allocations” kabilang ang 200 billion pesos na Senate share kapalit ng mga programang para sa mga Pilipino.

Isiniwalat din ng dating pinuno ng House Appropriations Committee na ang dating Senate President ang nagmungkahi na ibasura ang 74 billion pesos na subsidy para sa PhilHealth.

150 billion pesos umano ang proposed realignments ni Escudero at nagbantang mauuwi sa “reenacted budget” kung hindi sasang-ayon ang Kamara.

Bukod dito, sinabi ni Co na pinangunahan ni Escudero ang pagtapyas ng sampung bilyong piso mula sa computerization program ng Department of Education, 1.692 billion pesos na budget cut para sa bagong teaching positions at sampung bilyong piso na para sana sa fertilizer voucher project sa ilalim ng Rice Program ng Department of Agriculture.

Samantala, para maisakatuparan ang 200 billion pesos na pondo para sa “share” o priorities ng Senado, tinapyasan umano ni Escudero ang infrastructure funding para sa flagship projects ng administrasyon na aabot ng 13.9 billion pesos o kalahati ng 27.8 billion pesos.

Subaybayan!

***

Anumang reaksyon o suhestiyon i-text sa 0936-8625001/0939-7177977 o di kaya mag email balyador@gmail.com