Advertisers
SA WAKAS, muling bumalik ang Office of the Solicitor General (OSG) sa pagiging manananggol ng gobyerno ng Filipinas pagdating sa mga isyu sa International Criminal Court (ICC). Muling tumatayo ang OSG bilang kinatawan ng pamahalaan lalo na sa sakdal na crimes against humanity laban kay Gongdi sa pandaigdigang hukuman.
Sinalaula ng bastos at walang modo na si Menardo Guevarra ang OSG noong siya ang abogado ng gobyerno dahil tumanggi siya na maging kinatawan ng gobyerno at gampanan ang trabaho bilang solicitor-general ng bansa. Ang lubhang nakakapagtaka ay hindi siya nagbitiw. Tinanggal siya ni BBM pagkatapos ng halalan noong Mayo at itinalaga si Darlene Berberabe bilang bagong solicitor-general kapalit ni Menardo.
Walang nagawa si Menardo kundi umalis sa puwesto bilang kalihim ng OSG. Sinabotahe niya ang mga inisyatibo ng gobyerno nang tumanggi siyang katawanin ang gobyerno sa sakdal laban kay Gongdi sa ICC. Aso ni Gongdi si Menardo at hindi niya ipinagkakaila na kay Gongdi ang kanyang katapatan. Takot lang na mawala ang pribilehiyo bilang kalihim kaya nangunyapit sa puwesto si Menardo.
Noong Martes, nagpahayag si Berberabe ang bumabalik ang OSG bilang manananggol ng bansa sa sakdal na crimes against humanity ni Gongdi sa ICC. Sa wakas, may manananggol na tatayo at kakatawan sa gobyerno ng Filipinas ICC. Tinalikuran ni Menardo ang trabaho na iyan dahil ayaw niyang mawalan ng trabaho sa gobyerno. Ganyan kasalaula si Menardo.
Si Menardo Guevarra, bilang kalihim ng OSG, ang nagpetisyon sa ICC upang ipagpaliban ang anumang imbestigasyon kay Gongdi kaugnay sa sakdal laban sa kanya. Pabor ito kay Gongdi ngunit hindi pumayag ang ICC. Itinuloy ng ICC ang imbestigasyon kay Gongdi. Hindi pinatay ng ICC ang mga sakdal na iniharap laban sa kanya.
Iba na ang tono ni Berberabe sa kanyang pahayag noong Martes. Ipagtatanggol ng OSG ang pagkakadakip kay Gongdi noong ika-11 ng Marso. Ipapahayag rin ng OSG ang paninindigan ng gobyerno hinggil sa petisyon ni Bato dela Rosa sa Korte Suprema na humihingi ng temporary restraining order (TRO) s pagdakip sa kanya.
Hindi polisiya ng gobyerno ni BBM na paboran si Gongdi at mga kasapakat sa kanilang paglabag sa batas noong kanilang ipinatupad ang madugo pero bigong giyera kontra droga ni Gongdi noong siya na nasa poder. Mas pinapaboran ni BBM ang pangingibabaw ng batas (rule of law) at tamang proseso (due process) sa kanyang polisiya.
***
KUMBINSIDO kami na agarang isabatas ang “no work, no pay” sa mga mambabatas – senador at kongresista – na lumiban sa kanilang gawain. Hindi sila dapat maging pasanin ng bayan kung ayaw nilang gampanan ang kanilang tungkulin sa bayan.
Unahin si Bato dela Rosa na hindi nagbigay ng habilin kung bakit siya nawala ng umugong na may bumabang arrest warrant laban sa kanya mula sa ICC. Nawala rin si Bong Go na may nakaumang na arrest warrant mula ICC at nakasampang asuntong plunder sa Office of the Ombudsman. Bilang naging pugante sa batas si Bato at Bong Go.
***
TAMA si House Assistant Minority Leader Sarah Elago sa kanyang sinabi sa bulwagan ng Camara de Representante. Walang moral authority si Misfit Sara na magsalita kontra korapsyon at magtakda ng kung ano ang dapat upang kontrahin ang korapsyon. Sang-ayon kami sa pananaw ni Elago na hindi dapat nagsasalita si Misfit Sara tungkol sa korapsyon dahil na-impeached siya ng Camara noong ike-5 ng Pebrero dahil sa hindi naipaliwanag na maling paggamit ng P612 milyon na confidential fund na ibinigay ng Kongreso sa OVP at Deped.
Isang malaking pagkukunwari kay Misfit Sara ang magsalita kung ano ang ibig sabihin ng integridad kung siya mismo ay kulang nito at hindi maipaliwanag ang korapsyon sa OVP at Deped. Pinaka maiging tumahimik na lang siya. Walang nauunawaan ang may sayad na si Misfit sa isyu na ito.
***
MGA PILING SALITA: “Ang alam natin na mag-iisang buwan nang absent si Bato sa Senado. Pero napapansin natin na palaging absent din si Bong Go. Anyare? Akala ko wala pa syang WOA.” – Rodolfo Divinagracia, netizen, kritiko
“Ano nawala na rin si Bong Go dahil may bumabang arrest warrant laban sa kanya mula ICC? Pakiberipika dahil tsismis lang ito.” – PL, netizen, kritiko
“Dahil gumagamit ng steroid si Bato, lumaki ang kaha pero lumiit ang yagbols. Naduwag na rin at nagtatago. Naglaho na si Bato.” – PL, netizen, kritiko