Advertisers

Advertisers

Tanders!

0 71

Advertisers

Sina LeBron James at Chris Paul ang pinakamatatandang aktibong player ng NBA.

Si James ay 41 anos na sa ika-30 ng buwang kasalukuyan. Bale ito na kanyang ika- 23 na season sa liga Na-draft siya ng Cleveland taong 2003.

Isa pa rin siya sa pambato ng LA Lakers kahit lumipat na si Luka Doncic sa purple at gold at umaakyat na si Austin Reaves sa superstar status.

Heto averages niya sa apat na game na nilaro. i 15 points, 4 rebounds at 7 assists.

2nd place sila sa Western Conference at malaki chance na madagit kanyang ikalimang kampeonato.

Ire naman si Paul ay nag-40 noong ika- 6 ng Mayo. Pumasok siya taong 2005 nang piliin ng New Orleans Pelicans bilang 4th over-all pick.

Bukod sa NOLA ay nakapag-uniporme din ng Warriors, Spurs, Thunder at Suns.

Kinuha siya ng LA Clippers ngayong taon nguni’t ni-release naman kamakailan lang.

Naghayag si CP3 na farewell year na niya ito. May usap-usapan na papapirmahin siya ng OKC o ng LAL para magkatitulo bago magretiro.

May edad nga, kaso may papel pa sa team.

Tanders pero mahuhusay pa rin.

***

Ayon sa ating ibong pipit ay nakadale ng kalahating milyon ang tinagurian na discredited group sa basketball.

Paano ay siningil nila ng P500,000 ang sponsor sa pagsali sa isang torneo sa Nani’an, Fujian sa China. Tinatawag nila ang koponan na Philippine – X brand. Natapos na ang palaro noong Huwebes pero walang balita sa mga game ng koponan na dalawa sa cager ay anak ng coach at assistant coach.

Sabi tuloy ni Pepeng Kirat ay baka puro talo kaya walang news.

***

Abangan ang ating panayam kay Eugene Torre na gaganapin sa Chess Museum sa Marikina.

Makikita natin ang mga importanteng laman at malalaan ang kahalagahan ng bawa’t item kay Torre.

Makakasama natin sa episode si Lito Cinco bilang co-host. May pagkakataon ding magtanong ang tatlo sa kanyang tagahanga ng ating chess champion na sina Ramir Dimaunahan, Romeo Mirabueno at Rene Villoria.

Mapapanood ang interview sa OKS@DWBL sa ika- 29 ng Disyembre. May streaming din sa YouTube at Facebook alas- 4 ng hapon.

Hatid sa atin yan ng Biofresh anti-microbial socks at underwears.